CHAPTER 24: About You
Two and a half months later...
SA BAWAT TAKBO NG ating buhay ay may mga bagay na darating saatin na hindi natin inaasahan. Sa bawat galaw ng oras may mga taong handang mamaalam at may mga tao din na babalik ngunit hindi para magbigay saya saatin kung hindi ay saktan tayo at matuto sa bawat pagkakamali natin.Naalala ko pa noong nabubuhay pa ang aking Tito Vicent, palagi niyang sinasabi saakin na ang bawat tadhana ng isang tao ay naka-ukit sa palad nito. Ang bawat linya na makikita sa palad ng isang tao ay siyang nagiging simbolo ng wakas at panibagong buhay nito.
Ang tadhana natin ay naka-ukit na saating palad ng isilang tayo sa mundo. Hindi natin magagawang takasan ang ating gunit ng tadhana saating palad, kahit bagohin man natin ito ay hindi maaaring mabago.
May aalis saating buhay at may magbabalik para saatin at yun ay hindi natin mapipigilan. Akala ko noon ay biro lamang ang sinasabi saakin ni Tito Vicent tungkol sa gunit ng tadhana sa palad, pero isang malaking katotohanan pala i'yun. Limang taon palang ako ng tuloyan ng kinuha saakin ng Diyos ang aking mga magulang. Isang malaking bangungot para saakin ng mawala sila sa piling ko.
Palaging paalala saakin ni Mama noon na hindi ko kailan maging malungkot kung sakaling iwan nila ako dahil "Sa bawat taong umaalis sating buhay, ay may panibagong tao ang darating saatin upang magbigay saya.
Pero akala ko yun na ang huling beses na masasaktan ako at huling beses para iwan ako ng mga taong mahahalaga saakin. When my aged turns into 19 kinuha na saakin ulit ang nag-iisang taong naniwala saakin, tuloyan narin akong iniwan ni Tito Vicent. Maybe life is truly unfair, lahat walang permanente sa buhay lahat ay aalis na walang paalam.
Then she come into my life. Isang babae ang gumating sa buhay ko ng hindi ko inaasahan, siya ang nagbalik ng kulay at saya sa mundo kong madilim pa sa kalawakan.
She is my life, my vital. She is Everest Clarence Cole. Ang babaeng bumihang ng puso ko. Akala ko sa isang fairytale lang ang may isang princessa na nasa panganib at may isang misteryosong prinsepe ang darating para iligtas ng isang princessa but in my case she is the princess who save the miserable prince -and that was me, the miserable prince.
***
PURO KADILIMAN LANG ang nakikita ko sa buong paligid ng oras na'yun, gising na gising ang diwa ko pero kahit saan ako tumingin ay wala akong makitang liwanang kung di isang walang kataposang kadiliman ang bumabalot sa baligid ko.
Then I heard a voice. A beautiful voice indeed.
"FELIX... Felix ko..."
Sa bawat tawag nito ng pangngalan ko ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko na parang isang sabik na sabik na batang iniwan ang nararamdaman ko ng marinig ko ang kanyang magandang boses.
"Love... Love, nandito naako."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, kung kanina ay kadiliman lang ang nakikita ko pero sa oras na ito ay liwanang at iba't-ibang kulay na ang nakikita ko.
Kahit na inaantok pa ang mga mata ko ay pilit kong gumising dahil sa boses na palaging tumatawag saakin at pilit akong ginigising.
"Napaka-antukin mo talaga Loverl."-mahinang tawa nito "Gumising kana di'yan akala ko ba hinihintay mo ako, Love."

BINABASA MO ANG
LOVING THE INTERNATIONAL IDOL (Loving Series#1)-Completed
Teen FictionLOVING SERIES #1 Is this really possible for a basher to fall inlove into an Idol who she resist the most? Everest Clarence Cole, is known for her sharp and unabashed critiques of celebrities, particularly Felix Jaun Sysco, the international Idol wh...