Chapter XII: The Competition

4 1 0
                                    

C h a p t e r  T w e l v e

Ito na ang araw na pinakahinihintay ng lahat. Ang araw kung saan magtatagisan ang limang bayan para sa isang paligsahan, at hindi ko maiwasang kabahan dahil kasali ako doon. Limang estudyante sa bawat eskwelahan, hindi ko talaga maiwasang mapa-isip. Paano kung hindi kami manalo?

"Sina Aicah, Shillem, at Dave, sa kotse ko." Narinig kong sabi ni Ma'am Bago bago siya nagtungo sa kanyang kotse, Tumango lamang si Ma'am Estaciones, "Let's go." Malamig-lamig ang klima, dahil umulan at ngayon lang tumila, ngunit walang anumang bakas ng sinag ng araw na makikita sa himpapawid.

Nakasuot si Ma'am ng bughaw na polo na may nakatatak sa bandang likuran niya na "Science department" tsaka pangalan ng eskwelahan sa ibaba. Habang kami ni Dinah, kapwa nakasuot ng kulay bughaw na laso ng I.D bughaw na slacks ang akin tsaka bughaw rin na palda ang sa kanya.

Bawat eskwelahan ay mayroong kulay, kaya madaling mabatid kung taga saan ang isang estudyante. Bughaw sa  San Agustin National High School, pula naman sa San Vicente National High School, dilaw sa San Miguel National High School, kulay berde sa San Isidro National High School at kulay maroon naman sa San Labrador National High School. Bawat uniporme ay may isang palatandaan, nagka-iba-iba sila sa disenyo ng palda at tsaka I.D kaya hindi gaanong nakakalito kung titignan.

Sumunod naman kami ni Dinah sa kanya. Nagtungo kami pa kanluran, pumasok kami sa loob at naupo sa likurang bahagi. Nagsimulang umandar ang kotse habang hindi pa rin nawawala sa aking puso ang kaba.

Tanging kami lang ni Dinah, at ma'am Estaciones ang nasa kotse, dahil tanging ang mga guro na humahawak sa amin ang siyang kasabay namin sa Bayan ng San Labrador. Hindi ko alam kung saan nakasakay kasama ni Kuya Isaac, ngunit may motor naman siya kaya alam kong nagsisimula na silang bumyahe. Kanina pa sila nakaalis, naghintay lang talaga kami kay Dave dahil matagal itong nakadating. Gayunpaman, magsisimula ang paligsahan alas nuebe ng umaga, kaya hindi naman kami gaanong mahuhuli sa pagdating. At alas sais pa lang ngayon ayon sa orasan na nasa unahan ng kotse.

Hindi naman gaanong matagal ang byahe, siguro'y nasa isang oras at kalahati ay mararating na namin ang San Labrador National High School na siyang pinakamagarang eskwelahan sa isla. Umaalog-alog kaming nasakay dahil sa kalsadang hindi pa naayos, ngunit kalaunan ay naging maganda ang byahe.

Nagbabasa ako ng ilang kopya ng mga maaring masali sa tanong, gayundin si Dinah. Hindi na kami nag-abalang nagdala ng libro dahil may inilaan na kopya si Ma'am Bago para sa aming lima. "Dinah and Mekaello, just do your best." Pagbasag ni Ma'am Estaciones sa katahimikan. Ngumiti ako ng marahan, "Opo ma'am."

Ibinaba ko ang hawak na papel tsaka hinilot ang sentido, napagpasyahan kong tumingin sa labas. Lumapit ako sa bintana, nakasara man ito ngunit kita ko parin ang mga punong lumiliit sa aking paningin, kasabay ng animo'y pagtakbo ng mga niyog. Natatanaw ko rin ang mga papalapit at papalayo na pangalan ng mga bayan.

"Mekaello," tawag sa akin ni Dinah, kunot-noo akong humarap sa kanya. "Kumain ka na ba?" Simple lang ang tuno niya ngunit nahihimigan kong naninigurado ito. Tumango ako, "Oo naman, ba't mo natanong?"

"Baka kasi himatayin ka." Natawa ako ng mahina, sumandal ako sa kotse tsaka ibinalik ang tingin sa hawak kong papel. "Anyway," biglang pagpukaw ni Ma'am sa aming atensyon, iniangat ko ang ulo habang abala pa rin siya sa pagmamaneho. "Sabi ni Ma'am Bago, by school daw ang points, the one who earns highest points will be advanced to the next round at ilalaban sa Kaphalis." Bahagyang lumaki ang mata ko, hindi naman ito ang nakita ko sa papel na ibinigay ni Ma'am ah? Ang nakalagay lang doon, the schedule, the venue, and the instructions.

"Kahapon lang nag release ng announcement ang taga San Labrador High kaya ngayon lang rin na receive ni Ma'am Bago ang email." Napanguso akong nakinig, akala ko pa naman hanggang distrito lang. Gayunpaman, nay nag-uudyok sa aking galingan para malaban sa Kaphalis.
Buti na lang at malamig ang kotse ni Ma'am, kung hindi kanina pa siguro ako naliligo sa pawis dulot ng kaba at kagalakan.

Unbreakable [Warrior Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon