C h a p t e r T w e n t y - O n e
Nagkatotoo nga ang banta ng ina, bugbog sarado nga talaga ako. Masakit pa rin ang leeg ko, kasu-kasuan at balikat. Idagdag mo pa ang suntok ni ate sa mukha ko, at pilit kong dinedepensahan ang sarili, dahil sobrang hapdi na talaga ng anit ko, bakit kasi ang sakit manghablot ng buhok ni ate. Animo'y sanay manghablot ng buhok.
"Oh, ano, gahi ka?!" Animo'y parang kampana ang boses ni inay. Kanina pa nila ako sinasaktan, ngunit wala man lang luha ang dumanas sa aking mukha. Mukhang umurong lahat ng luha ko at napalitan iyon ng galit.
Galit para sa mga pasang iginawad nila, galit para sa mga hampas na masasakit na salita. Hanggang kailan ba nila ako gaganituhin, hanggang kailan ba ang paghihirap kong ito?
Seryoso ko lamang tinapunan ng tingin ang ina, tsaka ako tinadyakan ni ate sa gilid ng tiyan ko. "Ayusin mo 'yang mata mo, at hindi ako magdadalawang isip na tanggalin 'yan gamit ang kutsilyo," matigas na banta niya.
"Sige, at hindi rin ako magdadalawang isip na ireport kayo sa baranggay," seryoso kong sambit. Wala na akong nararamdamang takot sa ngayon, tila'y biglang naglaho ang lahat. Alam ng Diyos kung paano ako nahihirapan sa ngayon, at ang tanging paraan na nasa isip ko, ay bigyan sila ng banta.
Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito, alam kong parte ng buhay ang pagpapasakit at paghihirap, pero, hindi naman pwedeng hayaan ko nalang ang ate at ina sa pang-aalipusta sa akin.
"Matapang ka na ah, porke't nakaluwas ka ng siyudad. Hoy Mekaello, tandaan mo, wala ka kung wala kami. Kaya 'wag mo kaming bantaan ng ganyan na akala mo nama'y magagawa mo. Duwag ka, duwag!" sagot niya na siya namang ikinangisi ko. Panginoon, patawarin mo ako kung sinasagot-sagot ko sila.
"Duwag, duwag ba ang tawag sa taong tinatanggap lahat ng mga pasa at bugbog na galing sa inyo? Duwag pa rin ba ako pagkatapos kong umuwi sa bahay na ito, kahit na may pagbabanta kayo sa akin. Oo, wala ako kung wala kayo, pero, mas nanaisin kong mawala kaysa ganitohin niyo ako. Hindi niyo ito maiintindahan, ngunit sasabihin ko pa rin sa inyo. Mapapatay niyo man ako, ngunit hindi ang kaluluwa ko," malalim kong sagot na siya namang ikinagulat ng ina at ate. Pilit kong tumayo, at buti na lang ay hindi ako natumba kahit na nawalan ako ng balanse. Tinitigan ko silang dalawa, "Simula ngayon, ipagtatanggol ko na ang sarili ko. Saktan niyo ako kung gusto niyo, pero hindi ako maghihiganti. Bakit ako maghihiganti kung pwede naman ang Diyos ang maghiganti sa inyo."
Bigla namang humalakhak ang ina, may halong dilim ang kaniyang tawa. Idinuro niya ako, tsaka idinuro niya ang itaas. "Walang Diyos," iling-iling niyang sagot. "Dahil kung mayroong Diyos, ipagdadasal kong ikaw na lang ang nawala kaysa ang asawa ko."
Marahan akong ngumiti, ng mapait. Tinalikuran ko silang dalawa. Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi ni ina, pero, hayaan ko na lang. Mahirap sa oras na ito ang hayaan sila, ngunit 'yan ang solusyon na dapat kong sundin. Ayokong lumaki ang gulo, kaya mas mainam na ako na lamang ang lumayo.
Wala na talaga akong naramdaman na pagmamahal noong nawala si tatay. Dahil kung mayroong pagmamahal sa bahay na ito, hindi nila ako gaganituhin. May ina bang kayang saktan ang sarili niyang anak? Oo meron, at si ina 'yon.
Pilit kong hinakbang ang hagdan kahit na masakit ang tuhod ko dahil pinaluhod na naman ako, hindi sa asin, ngunit sa monggo. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng buong katawan ko, idagdag mo pa ang pagod galing sa eskwelahan. Tsaka ang problema sa pagitan namin ni Shimei. Hindi ko alam kung bakit may galit siya sa akin, siguro'y kakausapin ko siya sa ibang araw, papalimigin ko muna ang ulo niya.
Kinuha ko ang gamot at nagsimulang gamutin ang sarili. Magsusuot na naman ako ng dyaket bukas. Pagkatapos kong ginamot ang sarili, agad akong nagbihis tsaka naglatag ng banig. Hindi na ako kumain, makakain pa ba kaya ako sa sitwasyong ito? Eh halos hindi ko na magalaw ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Unbreakable [Warrior Series 2]
SpiritualWarrior Series #2 UNBREAKABLE Written in Tagalog-English Mekaello Quidangan, since the day after the tragedy, he never felt the same treatment of her mother and older sister. He feels like, it's all by himself along keeping the life he have despite...