C h a p t e r T w e n t y
Napamulat ako ng ginising ako ni Shillem, basa ang buhok nito halatang bago lang ito natapos naligo. Tumayo siya ng matuwid. Tipid siyang ngumiti. "Morning, take a bath, we're going home now," sabi niya.
Nag-unat ako ng kamay tsaka mahinang tumayo. Napahikab ako habang pinagmamasdan sila na lumabas at pumasok ng banyo. Anong oras na ba?
Tumingin ako sa bintana at agad na tumama sa aking mata ang sinag ng araw, pinikit ko ang mata dahil ang sakit ng sinag. Napahikab akong muli tsaka tumayo at kinuha ang tuwalya.
Nakaligo na silang lahat, at tanging ako na lang ang hindi pa. Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Nanginig ako sa malamig na tubig tsaka pinihit ang isang gripo. Napapikit ako sa magaang sensasyon na dulot ng mainit na tubig sa aking katawan.
Pagkatapos kong maligo, nagsalamin ako saglit. Nakasuot lang ako ng simpleng itim na polo, at denim na short tsaka tuluyang nilisan ang banyo.
Tila'y ako na lang ang hinihintay nila, nakakahiya naman at ako pa rason kung bakit nandito pa kami ngayon. Napasarap kasi ang tulog ko, dahil siguro sa pagod, idagdag mo pa ang tama ng bola sa aking ulo.
Kinuha ko ang sapatos at sinuot ito. Inayos ko ang bag, ang isa ay naglalaman ng mga ginamit ko sa pag-eensayo na puno ng papel, hindi naman gaanong mabigat. Tsaka ang pangalawa ay naglalaman ng damit kong nagamit sa tatlong araw naming pananatili dito sa hotel.
"Siguraduhin niyong walang naiwan," saad ni Ma'am Estaciones. Sinigurado ko naman ang bag ko tsaka malayang isinukbit ang dalawa sa magkabilang balikat.
Inilibot ko ang paningin, malinis na ang mga kama. Napabuntong-hininga ako, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Aalis na kami ngayon dito sa hotel at Kaphalis. Inaamin kong naging masaya ako sa tatlong araw naming pananatili, idagdag mo pa na nanalo kami bilang ikalawa.
Nalulungkot akong magiging isang magandang alaala nalang ang lahat dahil hindi na ako muling makakapunta pa rito. Kung may pagkakataon nga lang bumalik, ngunit ayaw ko rin namang iwan ang inay at ate, siguro kapag kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa, tsaka lang ako aalis.
Malalim akong napabuntong hininga at sumabay kina Aicah sa paglakad. Tuluyan nang isinara ni Ma'am Bago ang kwarto tsaka niya higpit na kinuha ang susi at inilagay sa kanyang palad. Palihim akong sumimangot, kung ganito lang sana ang bahay namin, hindi na ako lalabas pa.
Sa tatlong araw naming pananatili, naranasan ko ang malambot na kama, malamig na hangin, masarap na tulog, masarap na pagkain, masayang kwentuhan, mahigpit na kompetisyon at madamdaming pagkapanalo kahit hindi kami ang tinuring na kampyeon. Masaya ako, sobra. Hindi ko aakalaing ganito ang mararanasan ko.
Ngunit, alam ko ring kailangan naming umuwi at nauunawaan ko 'yon dahil may sarili naman kaming bahay, tsaka papasok pa kami at magsisimba pa ako. Kahit malungkot, ang kabilang puso ko naman ay nagagalak dahil makakapagsimba na naman.
Sinuklay ko ang buhok, mabasa-basa pa rin ito kaya hinayaan ko na lang. Sumakay na kami sa elevator, tsaka tuluyang nakababa. Buti at nasasanay na akong makasakay ng ganito, sa pagkaka-alala ko, parang nahiwalay ang kaluluwa ko kapag nakasakay dito.
*ting
At bumukas ang elevator, agad kaming nagtungo doon sa Reception Hall tsaka ibinalik ni Ma'am Bago ang susi. Maya-maya pa ay tuluyan na kaming nakalabas sa gusali. Agad na tumama sa aking balat ang init ng araw, at init na hangin, na siya namang nagbigay ng kakaibang sensasyon sa akin. Ganito ba talaga kapag nasa loob ka ng malamig na gusali tapos kapag lalabas ka, mas iinit ang pakiramdam mo?
BINABASA MO ANG
Unbreakable [Warrior Series 2]
EspiritualWarrior Series #2 UNBREAKABLE Written in Tagalog-English Mekaello Quidangan, since the day after the tragedy, he never felt the same treatment of her mother and older sister. He feels like, it's all by himself along keeping the life he have despite...