Chapter XXIX: I Can't Believe

3 0 0
                                    

C h a p t e r T w e n t y N i n e

Kasabay nang pagguhit ko ng ekis sa petsang uno ng disyembre ang kasiyahan na nararamdaman ko. Ngumiti ako sa harapan ng kalendaryo at tinitigan ang petsang dos.

Lumawak ang ngiti ko nang binasa ko ang salita sa ilalim ng petsa. "Maligayang kaarawan sa akin", 'yan ang nakalagay. Sa pagdaan ng buwan, masaya akong labing-pitong taong gulang na ako.

Naalala ko pa noon, sa tuwing sasapit ang aking kaarawan, pinapangunahan talaga ni tatay ang pagbati sa akin. Babatiin niya ako kahit hindi pa tumitilaok ang manok.

Napaupo ako sa silya ng aking kwarto, at pilit na inaalala ang mga bagay na palaging ginagawa ni papa sa tuwing kaarawan ko. Hindi ko maiwasang mapangiti noong ika-walong kaarawan ko.

"Anak, dito ka maupo at ako'y magluluto ng paborito mo," puno ng pagmamahal na sabi ni tatay.

"Woooooow! Adobong pusit!"

Natawa si tatay dahil sa aking kakulitan. Masaya ako dahil kakain na naman ako ng paborito kong pagkain!

Naupo ako sa gilid tsaka nagsimulang magluto si tatay. Interesadong-interesado akong pinapanood siyang hiwain ang pusit at iba pang sangkap.

"'Tay, pwede ko bang imbitahan si Rachelle na kumain dito sa atin?"

Sinulyapan niya ako tsaka ibinalik niya ang tingin sa kawali. "Oo naman, sinabihan ko na ang nanay niya noong nakaraang araw, pupunta siya mamaya."

Hindi ko maiwasang mapalundag sa saya, si Rachelle lang kasi ang tanging kaibigan ko, tsaka maglalaro pa kami ng holen mamaya.

"Ang bangooooo," nasabi ko. "Halika at tikman mo," imbita niya kaya walang pagdadalawang-isip na lumapit ako sa kaniya.

Pinatikim niya sa akin ang sabaw ng adobong pusit, ninanamnam ko ang bawat lasa ng kaniyang luto. "'Tay! Ang saraaaaaap." Iniangat ko pa ang hinlalaki, at napatango.

Maya-maya pa ay dumating na sila ate, may dalang isang kahon. Napangiti ako, panigurado akong keyk 'yan!

Inilapag ni ate ang kahon sa mesa, tsaka tinulungan ni inay si tatay sa pagluluto ng ilan pang handa.

"Oy, keyk," bulong ko habang nakatitig sa kahon. "Maligayang kaarawan, Mekaello," bati ng ate. Maligaya akong ngumiti.

Nabalik ako sa reyalidad. Reyalidad kung saan hindi na mauulit pa ang nangyari noon. Ang masayang pamilya na meron ako.

Naging malungkot ako sa isang sandali, tsaka napagdesisyunang lumabas ng kwarto, may simba pa ako mamaya. Maaga pa naman eh, kaya magpapahangin na lang siguro ako sa labas.

Napabahing ako nang napadaan sa mga aso. Ang malamig na hangin ang agad na sumalubong sa akin. Malapit na talagang magpasko, halos lahat kasi may dekorasyon na sa labas ng kanilang pamamahay, pero ang bahay namin ay wala.

Mapait akong ngumiti, tsaka napaupo sa buhangin. Ang saya pala namin noon, ngayon ko lang mas naintindihan ang sakit kapag hindi maayos ang pamilya niyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unbreakable [Warrior Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon