C h a p t e r T e n
"Hindi ka pwedeng magsimba." Matigas na sabi ni ina habang papalabas ako. Pahamak kasi na pintuan iyan, masyadong maingay. Humarap ako sa kanya, kapwang nakatingin ang mga mata sa kanyang mata, alam kong masyadong delikado ang ginagawa ko. Pero ayaw kong magmukhang natatakot sa kanila, lalo na't sa simbahan ang punta ko.
"Pasensya na 'nay, pero magsisimba ako." Mahinang sagot ko na tanging siya lang ang makakarinig. Tumaas ang kilay at ang sulok ng labi niya, at ang mukha niya ay animo'y hindi makapaniwala. "Talaga?" Sarkastiko nitong tanong habang lumalapit.
"Eh sabi ng kamay ko, eto." Bigla niyang itinaas ang kamay at akmang sasampalin ako ngunit nahuli ko ang kamay niya at seryosong nakatitig doon at ibinaling sa kanya. Ngunit ang kabila niyang kamay ay dumapo ng malakas sa kabila kong pisngi dahilan para mabitawan ko ang kamay niya.
"T******* ka! Matigas ka na?"
Hinawakan ko ang pisngi na nadapuan ng kamay niya.
Matalim ang titig niya habang mabigat ang paghinga, dinuro niya ako, "Wala 'yang kwenta ang pagsisimba mo!" Nagpanting ang tenga, para isang plaka na paulit-ulit tumatakbo sa aking isipan. Malalim akong huminga ang seryosong tumingin sa kanyang mata kahit na mukha na niya akong kakainin.
"Pasensya na po kayo, ngunit hindi niyo ko mapipigilan. Hindi nga kita pinipigilang magsugal, ngunit sa pagsisimba ko kokontra ka? Pasensya na, ngunit hindi kita masusunod ngayon, 'nay." Mabilis akong tumalikod, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang hapdi sa aking anit dulot ng biglaang paghablot nito sa aking buhok.
Tinadyakan niya ang binti ko, at napahiga ako sa buhangin. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko, hindi dahil sa takot, kung hindi sa galit. Ayaw kong magalit.
Buong lakas akong tumayo at tumakbo sa labas, "Mamaya ka lang!" Pahabol na sabi niya habang tinatakbo ko ang labasan ng bahay. Pumikit ako ng mariin at huminga, ibinuka ko ang mata at nakita ko si Rachelle sa harapan ko na nakakunot ang noo.
Tinignan niya ang buong kabuuan ko, at bumuntong-hininga. Tumingin siya muli sa'king mga mata, "Ayos ka lang?" Tumango lamang ako at ngumiti. "Alam ng Diyos kung anong pinagdadaanan mo ngayon, 'wag kang mag-alala, tutulungan ka Niya." Itinuro niya ang hintuturo sa langit, "Amen." Sabi ko.
Naglakad kami at pumasok na sa simbahan. "Mekaello!" Tawag sa akin ni Kuya Jeush, ang discipler ko. "Tara!" Tumingin ako kay Rachelle, tumango lang ito ang naglakad malapit sa mga sisters.
Lumapit ako kay Kuya Jeush, iminuwestra niya ako na maupo sa silya na katapat niya. Nang makaupo, binati lang namin ang isa't-isa.
"Kamusta ka Mekaello?" Panimula ni Kuya Jeush.
"Okay lang kuya Jeush," ngumiti ako ng marahan. Tumingin siya sa binti ko, "Mukhang nahihirapan kang maglakad, may problema ba?" Yumuko ako at mahina akong tumango at ngumiti ng pilit. Napakamot ako sa batok at ibinalik ang tingin kay Kuya Jeush.
"'Yon parin Kuya Jeush, walang pinagbago." Naramadaman ko ang kamay ni Kuya Jeush na animo'y sinasabing "okay lang yan."
"Ipagdasal nalang natin." Tumango ako at nagsimula na kami. Nanalangin muna kami, pagkatapos ay kinuha ni Kuya Jeush ang Bibliya niya at binuklat 'yon.
"Ngayong araw na ito,may parabula tayong pag-uusapan. At makikita iyon sa Marcos kabanata sampu, bersikulo labing-pito hanggang dalawampu't pito." Tumingin siya sa kanyang relo at ibinalik ang tingin sa Bibliya.
"Dahil may isang oras pa tayo bago magsimula ang service, babasahin ko nalang." Tumango ako.
"Marcos kabanata sampu, bersikulo dalawampu't pito."
BINABASA MO ANG
Unbreakable [Warrior Series 2]
SpiritualWarrior Series #2 UNBREAKABLE Written in Tagalog-English Mekaello Quidangan, since the day after the tragedy, he never felt the same treatment of her mother and older sister. He feels like, it's all by himself along keeping the life he have despite...