C h a p t e r T w e n t y S e v e n
Sikat ang araw na tinatahak ko ang daan patungo sa kainan malapit sa bahay namin. Nagugutom kasi ako, at hindi ako nakakain dahil walang natira na kahit isang butil lang ng kanin at ulam, tsaka, ubos na ang bigas sa lata.
Kaya napagdesisyunan kong sa labas na lang kumain, tutal mayroon naman akong pera. Pumasok na ako sa maliit na karinderya. Marami-raming tao ang kumakain sa loob tsaka mukhang puno ang lahat ng mga mesa.
Sa isip ko, siguro sa bahay na lang ako kakain. Ngunit nahagilap ng aking mata ang bakanteng mesa sa bandang likuran.
Kung kakain ako sa bahay, malalaman nila inay na may pera ako, at baka kunin na naman. Sakto lang kasi ang pera na naipon ko, tapos nahulog ko na sa alkansiya ang kalahati.
Napakamot ako sa batok tsaka tinignan ang ibat-ibang putahe. Masasarap at umuusok pa!
"Ate, isang adobong pusit nga po tsaka dalawang order ng kanin." Tinuro ko ang ulam.
"Dito ka kakain o ibabalot ko?"
"Dito po."
Tumango ang babae tsaka nagsandok ng dalawang order ng kanin sa isang berdeng plato, tsaka niya ibinigay kasama ang adobong pusit na nasa platito.
Nagtungo ako kaagad sa likod at baka'y maunahan ako. Marami ang taong kumakain dahil may pasok pa sila sa trabaho, tsaka, hindi naman ako naiipitan dito dahil malaki ang espasyo.
Pangkaraniwan lamang ang disenyo ng karinderya, sakto lang ang kulay ng dingding, malamig ito sa mata. Tsaka mayroong mga naka sabit na bentilador sa kisame at isang telebisyon sa kabilang gilid.
Nag-dasal ako ng tahimik tsaka nagsimulang kumain. Kasabay ng aking pagsubo ang pagsabay ng ingay ng bawat kutsara at plato.
Sa kalagitnaan ng aking pagkain, may lumapit sa aking lalake.
"Mekaello."
Nahihimigan ko ang boses kaya napaangat ako ng tingin. Bahagya pa akong nagulat.
"Kuya Jeush," may halong gulat at pagtataka kong sambit.
"Dito ka rin pala kumakain?" tanong niya.
Umiling naman ako. "Hindi po, ngayon lang."
"Ahh."
Iminuwestra ko ang kamay na maupo siya sa harapan ko. "Maupo ka kuya."
"Hindi na, salamat. Aalis na rin naman ako."
Kumunot ang noo ko. Nakita kong may hawak itong supot na naglalaman ng ulam.
"Pero, sinadya ko ring lapitan ka."
Napaangat ako ng tingin. "Bakit kuya?"
"Tutal nandito naman ako, iimbitahan sana kita mamaya sa fellowship natin. Sasabihin ko pa sana sa'yo bukas kaso, wala naman akong gagawin at libre na naman ako."
Kumunot ang noo ko. "Ganun ba kuya?"
Tumango lamang ito. "Sige kuya, pero, magpapaalam muna ako kay inay, alam mo na naman 'yong sitwasyon ko kuya diba?"
BINABASA MO ANG
Unbreakable [Warrior Series 2]
EspiritualWarrior Series #2 UNBREAKABLE Written in Tagalog-English Mekaello Quidangan, since the day after the tragedy, he never felt the same treatment of her mother and older sister. He feels like, it's all by himself along keeping the life he have despite...