C h a p t e r F i v e
⚠︎
(Author's note: Warning! Religious topic ahead.)Maaga akong gumising dahil naalala kong kailangan kong pumasok sa eskwelahan ng maaga. Natapos ko na ang mga proyekto at kailangan ko na lang 'tong ipasa.
Halos hindi na ako makapagpahinga dahil sobrang dami nito. Buti na lang at may naisuksok akong pera sa alkansya, may pambili ako ng materyales.
Palagi kong tinatago ang mga materyales tuwing ipapasok ko ito sa loob ng bahay, baka kasi tanungin ako ng ina kung saan galing ang pera.
Malamig ang hangin ang sumasalubong sa akin habang nag-aagaw ang dilim at liwanag sa himpapawid, madaling araw pa lang nang magsimula akong maglakad. Ang mga tinig ng dahon na gawa ng hangin, ang pagkislap ng mga kulisap at ang ingay ng mga palaka ang sumasabay sa akin.
Buti na lang at nakasuot ako ng jacket, panglaban sa lamig, malapit na rin kasing magseptyembre.
Nagitla ako nang may kumalabit sa aking likuran, nagdadalawang isip pa nga ako kung lilingon ako pero napawi ang kaba ko nang ito ay magsalita.
"Mekaello," tumabi ito sa akin. Tinapunan ko siya ng tingin at ngumiti, "Oh, ba't ka napasabay?" Nagkamot ito ng batok at binalik ang tingin sa kalsada.
"Eh, nasiraan daw ng motorsiklo si Mang Pablo, kaya ito, nakikisabay sa'yo." Tumango ako, suntok sa buwan lang kong maglakad si Rachelle patungo sa eskwelahan dahil pinipili nitong sumakay dahil hindi raw niya kayang lakbayin ang mahabang kalsada.
Malayo-layo pa ang eskwelahan at ilang kilometro pa ang kailangan bagtasin. "May tanong ako Rachelle," lumingon ito sa akin ngunit nanatili lang ang aking mata sa kalsada.
"Bakit walang krus ang simbahan niyo?" Napabuga ako ng hangin at inaantay ang sagot ng kasabay ko. "Kristiyanismo ang relihiyon namin Mekaello, at tsaka, hindi na kailangan ng krus." Sumagot ito sa mababang boses.
"Bakit hindi na kailangan? Nakikita ko sa ilang kapilya, may mga krus at mga rebulto, tapos sa inyo wala."
"Mekaello, hindi na kailangan pa ang krus dahil hindi naman kailangan magkaroon ang simbahan ng ganyan para lang magkaroon ng presensiya ng Diyos, at tsaka yung mga rebulto? Hindi na kami sumasali sa mga ganyang bagay, tanging Diyos lang ang tanging binibigyan namin ng puri. Ang sabi sa Juan kabanata 4 bersikulo dalawampu't apat, "²⁴Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan." kaya, hindi kami lumuluhod sa mga rebulto at nagdadasal sa mga ito dahil tanging ang Diyos lamang ang kayang makapagbigay ng sagot sa ating mga panalangin. Tanging siya lang ang sasambahin, pero 'yang mga nakikita mong imahe "raw" ng Diyos, hindi iyon totoo! Wala pang nakakita sa mukha ni Hesus o ng Diyos, ang Diyos ay isang Espiritu at kailangan tayong magsamba na walang iniisip ma mukha niya o kaya'y lumuluhod o nagpapaniwala sa mga imahe." Mahabang litanya nito na nagpabilib sa akin.
"Kaya rin ba hindi kayo nagsi-sign of the cross?" Tumango ito, "Hindi na, dahil kung rinig ng Diyos ang bawat salita na lumalabas sa ating bibig, rinig din niya ang ating panalangin kahit na hindi nag-sisign of the cross." Tumango ako, nakukumbinsi niya ako subalit mayroon pa rin itong pag-aalinlangan.
"Bakit iba ang 'yong paniniwala kaysa sa ibang relihiyon?"
"Nakasaad sa Bibliya ang sinusunod namin, kung nandito ito sa Bibliya, susundin namin, ngunit kung hindi ito nakalagay, hindi 'rin namin ito gagawin. Ang Bibliya ang basehan namin, dahil mahirap manampalataya sa Diyos kapag baliko ito." Kumunot ang noo kong bumaling sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Unbreakable [Warrior Series 2]
EspiritualWarrior Series #2 UNBREAKABLE Written in Tagalog-English Mekaello Quidangan, since the day after the tragedy, he never felt the same treatment of her mother and older sister. He feels like, it's all by himself along keeping the life he have despite...