C h a p t e r E i g h t e e n
Inuunat unat ko ang dalawang kamay at braso, masyado akong napagod sa araw na ito, at gusto ko nang magpahinga. Kasalukuyan naming tinatahak ang daan palabas ng akademya. Tapos na ang paligsahan kaya wala na rin naman kaming gagawin kung hindi bumalik sa hotel.
Nais pa nga sanang maglibot ni Dave, pero bukas na lang daw siguro ani Ma'am Estaciones. Nasa harapan namin ang ilang eskwelahan na kasali sa paligsahan, yung ilan naman ay nasa likuran namin.
Pagkatapos kasi ng nangyari, umuwi na kaagad ang mga partisipante dahil gagamitin daw ang gym, ani ulit ni Ma'am Estaciones. Nakausap niya kasi ang isang guro sa akademya na narito kami, at sabing bukas daw gaganapin ang award kaya siguro'y hinahanda ang gym para sa bukas.
Nawala na naman ang kaba sa aking puso, tapos na ang laban eh. Hindi ko naman alam kung sino ang mananalo, bukod sa mahigpit ang laban, wala na akong oras para alamin kung sino ang mayroong pinakamataas na puntos dahil pinauwi na kami kaagad.
Tuluyan na naming narating ang parking lot, agad na binuksan ni Ma'am Estaciones ang likurang bahagi at inilagay naman namin kaagad ang bag, tsaka umikot sina Shillem at Dave para pumasok sa kabilang bahagi. Pinauna ko muna ang dalawang babae tsaka ako pumasok at mahinang isinara ang pinto ng kotse.
Naramdaman kong gumalaw na kami, kasabay ng paglaganap ng lamig sa buong loob ng kotse. Buti na lang at may suot akong dyaket at hindi ako giginawin. Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri at tumingin sa labas.
Sa gitna ng aking pagmumuni-muni, biglang nagtanong si Aicah, "Ma'am Bago, do you have any idea who got the highest points?" Kahit na nakatingin ako sa labas, ipinako ko naman ang aking tainga sa kanila. Nais ko ring malaman.
"I don't have any idea Aicah, but it seems like you guys had answered some points correctly," seryosong sagot ni Ma'am Bago. Tumingin ako sa harapan, nakakunot ang noo ni Ma'am Estaciones na animo'y may iniisip. Nagkibit-balikat na lamang ako. Tama si Ma'am Bago, madami-dami kaming nasagutan, pero hindi pa rin kami kampante kung makakapasok ba kami sa rango, lalo na't sobrang galing ng Magna at Kaphalis, mukha ngang sila lang ang naglalaban eh. Pero, hindi natin alam kung sino talaga. Ang mahalaga, tapos na at wala na akong iisipin pa.
"Ang laki pala ng perang mapapanalunan noh?" singit na tanong ni Dave. Tumango naman ang katabi ko. "Yes, it's very rare to have that prize, minsan kasi, puro trophies and medals lang." Si Shillem na ang sumagot. Mahina akong napatango, ayaw kong makisawsaw kaya nanatili lang akong tahimik.
"But atleast, even if there's no money to win, the champions could represent the whole region to battle with the other regions. National kumbaga," singit naman ni Dinah.
Tinakpan ko naman ang bibig nang humikab ako, nakasandal lamang ang ulo ko sa upuan. "Mekaello," tawag sa akin ng katabi ko. Kunot-noo ko naman siyang hinarap. Muli itong nagsalita, ngunit may tanong, "Inaantok ka. Gusto mo bang matulog, isandal mo nalang ang ulo mo sa balikat ko."
Ngunit mariin akong umiling. "Huwag na Dinah, salamat," mahina kong sagot. Tumingin naman ako muli sa harapan at kita ko ang kunot-noong Ma'am Estaciones. Tipid lamang akong ngumiti.
Kaya tinanggihan ko ang alok ni Dinah, ay hindi dahil nahihiya ako. Dahil matangkad ako at mahirap sumandal sa balikat niya, lalo na't apat kaming umukopa sa upuan at baka mabigatan siya. Mabigat pa naman ako kahit di gaanong malaman.
Sa huling pagkakaalam ko, ang timbang ko ay 51 kilos. Nalaman ko lang kasi dahil sa BMI na isinagawa namin sa MAPEH noong nakaraang buwan. Ngunit nalimutan ko ang centimeters kung gaano ako katangkad, siguro, nasa 172 centimeters na ewan.
BINABASA MO ANG
Unbreakable [Warrior Series 2]
SpiritualWarrior Series #2 UNBREAKABLE Written in Tagalog-English Mekaello Quidangan, since the day after the tragedy, he never felt the same treatment of her mother and older sister. He feels like, it's all by himself along keeping the life he have despite...