Chapter Thirteen
Mekaello
Martes ngayon. Tahimik at maingat akong bumaba sa motor ni Kuya Isaac, nasa tapat na kami ng gate at maaga pa naman kung titignan ang kalangitan. Wala pang bahid ng araw, kung hindi puro mapuputing ulap ang bumalot sa buong himpapawid. Ibinalik ko ang tingin sa harapan at mailan-ilan pa lang ang estudyanteng dumadating.Nagpasalamat ako kay Kuya Isaac pagkababa ko, tumango lang ito at nagpaalam akong mauuna ng pumasok, tsaka mahinang tumungo sa gate. Tahimik at banayad ko lamang nilalampasan ang ilang gusali at ilang mga bulaklak, bago ako nakarating sa harapan ng silid namin.
Agad-agad akong pumasok pagkatapos kung naakyat sa dalawang palapag. Maliit pa lamang kami sa silid, ngumiti ang ilan nang pumasok ako, ginawaran ko sila ng ngiti at nagsimulang mag walis sa buong espasyo. Tinutulungan naman ako ng ilan.
Hindi mawala sa aking isipan ang nangyari kahapon sa paligsahan, lahat ay bago sa akin, dahil baguhan pa lamang ako. Subalit hindi ko maitatangging naging masaya ako, sa loob ng isang araw, natuyo ang utak ko. At grabe ang experience na nakuha ko sa paligsahang 'yon.
Inilagay ko sa lalagyan ang walis tsaka inayos ang mga hindi pantay na pagkakaayos ng upuan. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa ibabaw ng pisara, alas sais y medya pa pala. Pagkatapos ay binuhay kong muli ang mga bentilador, naupo ako sa sariling upuan tsaka kinuha ang maliit na Bibliya.
Tahimik lamang akong nagbabasa sa libro ni Mateo nang biglang may pumatong na mabigat na kamay sa akin at ginulo ang buhok kong natuyo kanina sa hanging sumasalubong sa amin sa pagmamaneho ni Kuya Isaac. Hindi nako nag-abala pang tingalain ang taong ito dahil sa boses pa lamang, alam ko na siya.
"Hays, kay tagal nating hindi nagkita Mekaello," madramang boses ni Shimei tsaka naupo sa likuran ko. Umupo ito sa harapan ko tsaka napangalumbabang tinitigan ako, "Kamusta ang participant namin?" Napailing-iling akong isinara at binalik sa bag ang Bibliya, mabuti na lamang at natapos ko ang isang kabanata.
"Okay lang." Iniangat ko ang tingin sa kanya tsaka ngumuso. "Okay lang? Sure ka?" Tumango ako. Napakamot siya sa kanyang batok, naiirita siguro dahil hindi siya kontento sa sagot ko. "Sinong nanalo-" hindi niya natapos ang sasabihin dahil may pumasok habang nagsisigaw.
"David! Ang ingay mo!" Asik ni Shimei, umagang-umaga kasi sobrang lakas ng boses animo'y may kaaway. "Hiyang-hiya ako Shimei," sagot ni David habang naglalakad patungo sa amin.
Lumandas ang kanyang mata sa akin tapos pabirong inilayo ang ulo, "Sobrang pogi natin ah, nagpatupi naman ako noon pero hindi ganyan ang mukha ko." Natawa ako, "Magkaiba kasi tayo ng mukha." Nahinto naman siya tsaka nakasimangot na inilagay ang bag sa kanyang silya tapos bumalik na naman.
"Kaya nga eh, daming nagkakagusto sa'yo doon sa kabilang section." Iling-iling niyang sabi habang inilagay ang hintuturo sa panga. "Sus, wala akong piso David. Maaga pa." Tumawa siya ng mahina tsaka pinatunog ang labi.
"Maaga pa nga pero sira na ang araw ko, mahihirapan akong magkajowa dahil sa'yo eh." Humahalakhak naman si Shimei tsaka tumaas ang sulok ng kilay. "Talaga? Hindi nga? Wala namang papatol sa'yo bro." Naigting ang panga ni David tsaka lumapit kay Shimei at pabirong sinuntok ang tagiliran. Umakto namang nasasaktan si Shimei.
"Inggit ka lang kasi walang nagkakagusto sa'yo, torpe mo kasi." Tumayo naman si Shimei at binatukan si David, nagpatuloy naman si David sa pagsasalita. "Pa'no na yan si Ar-, aray ko!" Pa'no kasi, hinablot ni Shimei ang maliliit na hibla ng buhok sa gilid ng ulo ni David.
"Masakit 'yon!"
"'Wag kang maingay!"
"Mekaello, gusto niya si Ar-"
BINABASA MO ANG
Unbreakable [Warrior Series 2]
EspiritualWarrior Series #2 UNBREAKABLE Written in Tagalog-English Mekaello Quidangan, since the day after the tragedy, he never felt the same treatment of her mother and older sister. He feels like, it's all by himself along keeping the life he have despite...