Opal 11

979 25 17
                                    

Happy 5.4k reads Opal High! At dahil natuwa ako, nag-update ako ng maaga! Yehet! Pero short lang haha. Hahabaan ko ang Opal 12 pramis! Lame ito kaya pagtiyagaan muna. XD

***

[Angel’s POV]

“We finally found you….

                     

…..fire manipulator.

Loading….

Loading…. 24%

Loading…. 69%

Loading…. 99%

Error!!!!!!

“E-eh?”

Sabay-sabay silang nailing at napaface-palm, “Sabi namin, fire manipulator!” naiinis na sambit ni Rina.

“Ahh…” tumango-tango ako, “Sino?” Fire manipulator daw? Sa pagkakaalam ko wala pang fire manipulator sa Opal High e.

Napailing na naman sila at napaface-palm ulit, “IKAW!” sabay-sabay nilang sigaw. Aba at sabay-sabay talaga sila parati. Nirehearse ba nila ‘to or whatsoever?

Pero teka… “Ako?! How?! When?! Where?! Why?!” Ako? Fire manipulator?! Nagpapatawa ba sila? In my dreams siguro pwede pero sa totoong buhay? Hindi siguro ‘no?!

*pok!*

“Aray!”

“Tigil-tigilan mo ‘yang katangahan mo na ‘yan ha! Namumuro ka na talaga.” Wika ni Rewel matapos akong batukan. ‘Ta’mo ‘to! May masabi lang e. -__-

“Ah basta! Fire manipulator ka! Yiih! Sure na nasa Elites ka mapupunta!” tuwang-tuwang sabi ni Abby, “Oo nga ‘no? Hoy,  Angel magpalit nga tayo ng ability!” Aba loko ‘to a! Nabatukan tuloy ni Rina.

“Teka nga, teka nga lang! Sure ba talaga kayo na ako ang fire manipulator? Baka inaalaska niyo na naman ako a!” mahirap na ‘no. Mamaya niya hindi naman talaga ako, edi nagmukha akong tanga?

Opal HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon