Opal 9

1.1K 22 32
                                    

Nag-update sa kasagsagan ng exams! Mabuhay ang lame chapter!

-

Dedicated to missPrimeraG my new friend! Hello~! 

***

[Liz's POV]

Napabalikwas ako matapos kong magising sa panaginip na yun.

Totoo ba talaga yun?

"Hoo hoo" napalingon ako sa bintana kung saan nanggagaling ang ingay na 'yun. Isang owl. Matagal-tagal na din nung huli akong nakakita ng ganun a.

"Hoo"

Tumayo ako. Pumunta sa cabinet at nagsimulang mag-impake.

***

[Angel's POV]

"Okay, class dismissed."

"Kita nalang tayo sa field sa likod ng school Angel ha?" paalam ni Abby at lumabas ng classroom.

"Okay."

Nawala yung notebook sa table ko. Ganyan kasi 'yan 'pag tapos na ang klase. Astig noh!?

Lumapit ako kila Irinah at Rewel, "Tayo na, guys."

Tumango naman sila at naglakad kami palabas ng classroom.

Nakasalubong namin si Stayziel na kakapasok palang. Ang sama ng tingin niya sa'kin. 'Yung tingin niya parang nagsasabing "hindi-pa-tayo-tapos-kaya-humanda-ka"

Owemgee! Akala ko safe na ako.

Nirolyo niya ang kanyang mata at binunggo yung balikat ko bago ako lampasan.

"Ah." napangiwi ako dahilang lamig ng balikat ko.

Lumingon ako kay Stayziel at kita kong nakahawak din siya sa balikat niya. Siguro tinapik niya ang sarili niya para bigyang pugay ang kabastusang ginawa niya. Tss.

Opal HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon