Opal 8

1.1K 25 8
                                    

Happy 2k reads Opal High! Sorry for the long wait. :) 

***

[Angel's POV]

Ang dilim, sobrang dilim.

 

 

Wala akong makita. Natatakot na din ako.

 

 

My eyes heated up and my tears were threatening to fall.

 

 

"Faye...." nagulat ako nang may tumawag sakin sa ikalawa kong pangalan, at...boses lalaki...

Nilingon-lingon ko ang ulo ko pero same, madilim padin.

"Faye...."

Natatakot na talaga ako, "S-sino k-ka?"

Ngunit walang sumagot, sa halip ay may nakita akong maliit na ilaw ilang metro malayo sakin. Parang flashlight, baka may sumasagip na sakin? Thank goodness! Minabuti kong lapitan ito.

Nang makalapit ako, isang maliit na bolang apoy ang nakita ko. Ayts, akala ko pa naman makakalabas ako dito.

Nagitla ako nung biglang gumalaw yung apoy. Hala, baka naman santelmo to? Waaaa! Di kaya minumulto ako?

"Faye....sundan mo...." Waaaaa! D kaya multo din yung nagsasalita?

"Heh! Hindi ako multo!" suway nung boses, "Ay! Sorry naman..." paumanhin ko. Tao lang naman ako, nagkakamali. Hehe.

"Sundan mo nalang sabi.." utos nung boses. Baka magalit na naman toh kaya naguguluhan man ay sinunod ko nalang ang utos niya. Malay mo guide yung apoy palabas diba?

Patuloy padin ang paggalaw ng apoy at pagsunod ko dito pero nagulat ako nang biglang humangin ng pagkalakas-lakas at napasigaw ako nung nilamon ng tubig ang fire ball at tumalsik yung tubig sakin.

"Waaaaaaaaaa!"

*

"Waaaaa!" sigaw ko at bumangon. What just happened?

Oh wait...

Opal HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon