Opal 1

2.8K 49 47
                                    

Dedicated to BlabbersAlertX_X Your fantasy story 'Lost Academy' is one of a kind! 

--------

[Angel's POV]

"Auntie, una na po ako." sabi ko sabay mano

"Oh sige, mag-ingat ka ha?" paalala niya sabay halik sa pisngi ko bago ako umalis

"Opo!" paalam ko at tuluyan nang nakalabas sa bahay

At dahil first chapter ito at dapat talaga may introduction kasi halos lahat ng estorya may ganito, e magpapakilala muna ako

Ako si Angelica Faye Red, you can call me Angel. 18 yrs. old. Mabait, maganda, mayaman-- in my dreams. Sa totoo lang, mabait naman talaga ako, okay lang naman ang itsura, matalino din paminsan-minsan hahaha, ulila na pala ako, average lang ang life at maraming pangarap sa buhay

Isa na doon ang magkaroon ng magical powers. Hahaha. Pero syempre, alam ko naman na imposibleng mangyari yun kasi produkto lang yun ng imahinasyon ng tao.

1st year collage na pala ako, scholar sa isang sosyaling university (sabi ko sainyo matalino ako ee!). Actually, on the way nga ako ngayon ee. Naglalakad lang ako, malapit lang naman yung bahay namin sa univ.

At dahil sa kadaldalan ko, hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa univ. Dada kasi ako ng dada. 

Na-- "Angel!" boses palang alam ko na kung sino itong kabute na sumusulpot nalang kung saan saan

"Oh?" tugon ko kay Rewel. Xavier Rewel Castro, best friend ko.

"Gandang pambungad a! Di mo ba ako namiss?" pabirong sabi niya

-___-

"Miss, miss. Mismisin mo mukha mo! Ba't palagi ka nalang sulpot ng sulpot ha?!" tanong ko sa kanya, kung saan saan nalang ako naroroon biglang siyang susulpot. Hindi ko alam kung stalker ba tong best friend ko o ano.

Actually, tatlo kaming magbestfriend, ako, si Rewel, atsaka si Irinah Shane Aragon. Isa rin yung weird e. Bigla biglang nawawala ng ilang araw tapos babalik din ulit. Lakwatsera.

"May powers kasi ako. Mwuahahaha! Ang gwapo ko talaga. Hahaha!" ang hangin talaga. Pero sabagay, gwapo naman talaga siya. Nagtataka nga ako kung bakit wala pa tong girlfriend ee!

"Tse! Dun ka nga. Shoo shoo!" pagtataboy ko sa kanya

"Ou--" magpapamalas sana siya ng dakilang kaartehan pero naputol nang may tumawag

"Bestieeeeees!" sigaw niya habang tumatakbo ng open arms with a huge grin on her face

Nagkatinginan naman kami ni Rewel at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong iparating.

Opal HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon