Opal 13

615 24 15
                                    

After the long long wait...! Hehehe..Dedicated to audirectioner1D kasi I love her! Please read her stories (Same Stars, Sirens, etc.)



*



[Irinah's POV]



"Eh? Tulog pa'rin sila?! Pambihira." Naiiling na sabi ni Abby. Napailing na'din ako at lumapit kay Rewel at tinapik-tapik ang mukha nito.



"Uy. Gising!" Ani ko. Napansin ko 'ding lumapit si Abby kay Jade at ginigising ito. 



"Hoy, Rewel! 'Pag ikaw 'di pa gumising diyan, hahanap ako ng bagong crush, sige ka!" Pagbabanta ko. (Hindi naman niya ako naririnig so okay lang haha). Pero ayaw pa'rin gumising.



Halos lumabas na ang kaluluwa nila sa pagyuyugyog na'min pero ayaw talagang gumising! Bwisit na mga 'to a! Naghihintay pa atang pasabugin ko 'tong library para gumising. -__-



"Haist! Patay na ata mga 'to!" Naiinis na sabi ko, "Edi maganda!" Natatawang sabi ni Abby. Napatawa nalang din ako. XD



"Teka, nasaan naba sina Angel at James? Bakit wala pa sila? Kanina pa tapos break a!" nagtatakang tanong ni Abby habang nililibot ang paningin sa paligid.



"Kasi hindi sila nandito?" 



Napapoker face naman siya sa sinabi ko, "Pilosopa." Sabi niya.



"Hahahahahaha!" Tawa ko. Napansin ko namang bigla siyang sumeryoso kaya napatigil ako, "Tingin mo..." pagsisimula niya, "Caster kaya talaga si Angel?"



Nagulat ako sa biglaang tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. Teka, pwede bang hindi ko nalang sagutin? Tumingin ako sa kanya at nakita kong naghihintay siya sa sagot ko. I sighed.



"Sa totoo lang... hindi ko talaga alam e. Nung una, sure na sure talaga ako, but when Flame showed up.. ewan ko. Let's just hope for the best." Sabi ko at ngumiti. Tumango naman siya.



Dumating naman si James na may dalang pagkain. -__- 



Nagkatinginan kami ni Abby, "Ba't ko pa tinanong?" Natatawang sabi niya. Napangisi ako.



Teka, parang may nakakalimutan ata kami...

Opal HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon