Opal 14

731 21 19
                                    


Dedicated sa lahat ng mga taong nagbabasa nito. Especially sa mga nagstick from beginning until now. After a long long looooong time nag-UD na din. Mahal ko kayong lahat.


***

[Third Person's POV]


Habang tumatakbo ang oras, ang barkada ay hindi magkamayaw sa pagbasa sa mga libro.


Jk.


Hindi naman talaga sila nagbabasa, nakatunganga lang sila habang inilipat-lipat ang mga pahina ng mga librong hindi naman nila alam kung tungkol saan.


"Haaaaaay."


Napalalingon ang lahat kay James na biglang bumuntong hininga. Nakasimangot ito at kung titignan mo, parang malapit ng umiyak.


Napasinghap si Angel.


Tumaas ang kilay ni Abby, "Ano problema mo?"


Lalo itong nagpasimangot sa kanya. Tumingin siya kay Abby na may mga luhang nagbabadyang tumulo. Suminghot siya. At humugot ng malalim na hininga at, "Nagugutom na ako."


"Gaaaaaaah" napafacepalm nalang ang lahat maliban kay Flame na walang kaalam-alam kung bakit ganito ang reaksyon nila, at Angel na tulala padin sa reaksyon na pinakita ni James.


Napalingon ulit silang lahat kay James na biglang tumayo at bumalik sa kanyang signature poker face, "Bibili lang muna ako ng pagkain." at tumalikod siya.


Dahil dun, nahimasmasan si Angel. 'Sabi ko na nga ba namamalikmata lang ako e. Haha.' Isip niya.


Hindi pa man nakalayo si James, may isang babae na nakahoverboard habang kumakaripas ng takbo at papunta kay James.


"LOOK OUUUUUUT!" sigaw nung babae at...


*craaaaaaashhhh*


"A-Araaaay.. >~<" daing nung babae habang hinihimashimas 'yung ulo niya.


Napalingon si James sa babae, "Nadine?!"


"Oyyyyyy!" Ngumisi si Nadine at napakamot sa ulo.


Napadako ang tingin ni James sa may paanan ng babae at nakita niyang nakataas ang palda nito. Namula si James at umiwas ng tingin.


"Okay lang kayo?!" Alalang tanong ni Abby nang makarating sila sa kinaroroonan ng dalawa at inalalayan ito. "Teka, ikaw 'yung naka-indirect kiss ni James diba?!" Gulat na tanong ni Angel habang nakaturo kay Nadine. Nanlaki naman ang mata ni James at tinakpan ang bibig ni Angel.


"odidnemzmnejeisk" -Angel


Si Nadine naman ay nagtatakang nakatingin lang sa dalawa.

Opal HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon