Opal 4

1.3K 35 13
                                    

Dedicated to xXShokoAsahinaXx because you're awesome and you helped me plan the plot <3

--------------------

[Angel's POV]

"Bestie, kung ipapasok mo ko sa eskwelahan mo, mag-eentrance test din ako?! Waaaa! Bestie! Hindi ko pa alam yung powers ko!" natatarantang sabi ko

Kumakain kami ngayon ng hapunan. Ang sarap nga ng ulam ee! Adobo! Hmmm~! Syempre si Bestie ang nagluto, magaling kasi yun sa kusina.

"Nako hindi noh! Para lang naman sa mga elemental casters yung entrance test. Sort of performance kasi yun. Magsisimula palang kasi yung klase." natatawang sabi niya

Nakahinga naman ako ng maluwag matapos marinig yung sinabi niya. Pero... "So bestie, kung mag-aaral ako dito, ibig sabihin ba dito ako titira?"

"Oo syempre!" nakangiting sagot niya

"Pero bestie, pano si auntie? Saka si Rewel? Hahanapin tayo ng mga yun!"

"Wag kang mag-alala, pwede naman natin silang sulatan, may mga alowishes naman. Sila yung mga magic owls na siyang magdadala ng mga letters through dreams. Ibig sabihin, parang video. Kaso habang tulog sila. Kaya no worries! Pwede din naman natin silang dalawin. Kaso madalang nga lang kasi tuwing weekends lang tayo free." mahabang pahayag niya

Ahhh, parang mortal world lang ang peg ng school days, may weekends din.

"Hindi ba pwedeng mag-text dito?" pahabol na tanong ko

"Pwede naman. Kaso kung nasa mortal world ang gusto mong i-text. You'll need to use charm phones." sabi niya at ipinakita sakin yung charm phone niya, dilaw siya na parang iPhone. Tapos may nakasabit na charm ng sun tsaka may nakalagay na pangalan dun sa likudan. 'Irinah'

"Wow! Yan ba ang ginamit mong pantext sakin?" manghang sabi ko

"Yep!"

"Woooooah! San mo nakuha yan? Pwede din ba akong magkaroon ng ganyan?" 

"E bestie, elemental ability casters, like me. Ang pwede lang makakuha ng charm phones naturally." nalungkot naman ako bigla

"Wala na bang paraan para makakuha ako ng ganyan?"

Opal HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon