C17

489 8 2
                                    

--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--

Anne's POV

"Anak, welcome dito sa bahay ko. Anak?", nandito na kasi kami ngayon sa bahay ko para dito na tumira si Stephie. Ito ang dating bahay nila Vhong, siyempre, sa akin na napunta itong bahay na 'to simula nung agawin ko nga sa kanila ang lahat.

"Ito po bahay niyo, ang ganda ganda po at ang laki laki." sabi ni Stephie habang pinagmamasdan ang buong bahay.

"Anak, magmula ngayon, dito ka na titira sa bahay, kasama ko." sabi ko kay Stephie.

"Talaga po, pero b-bakit hindi po kasama si papa. Mama gusto ko po kasama ko si papa."

"Anak, ano kase, ahmm magkikita naman kasi kayo ng saturdays and sundays. Sabi sa akin ng papa mo, dito ka muna sa amin. Para makasama ka ni mama. Bakit baby, ayaw mo ba na kasama mo na si mama?" tanong ko sa anak ko.

"Gusto po, pero sana po kasama natin si papa." talagang hindi niya kayang wala si Vhong.

"Anak, ano kain muna tayo ng lunch ha, nagluto kami ng madami para sayo. Tapos mamaya, aakyat na tayo sa room mo ha." tapos hinaplos ko siya sa kaniyang ulo.

Agad naman siya sumunod sa akin sa dining area at doon ay umupo na para makakain na kaming dalawa.

"Anak, what do you want, nagluto kami ng kaldereta, menudo, mechado." tapos ay pinagmasadan niya lahat ng pagkain na nakahain sa lamesa. Yung tipong gusto niyang kainin lahat.

"Mama, gusto ko po lahat." nagulat ako sa sinabi niya, matakaw din pala itong batang ito.

"Oh sige anak, para sayo lahat yan, meron pa nga ditong ice cream at cake." talagang bubusugin ko ang anak ko ngayong araw na ito.

"Mama, alam niyo po ba, lahat po yan, niluluto po ni papa sa akin. Ang sarap sarap po niyang magluto." pagmamalaki ni Stephie sa akin.

"Talaga anak, pero ano yung favorite na pagkain na niluluto niya for you?"

"Lahat po ng luto ni papa, favorite ko po."

"Anak, ano sinasabi ni papa mo tungkol sa akin?" siyempre gusto ko din malaman.

"Sabi po ni papa, ang ganda ganda niyo daw po and ang bait bait niyo din po." Ako? Mabait? Iniwan ko nga siya eh, mabait ba yun?

"Eh sinabi ba niya sayo kung bakit nahiwalay ako sayo ng maraming taon? Ano yung mga sinabi niya sayo?"

"S-sabi po ni papa, kaya daw po kayo umalis kasi kailangan niyo daw po mag trabaho sa malayo. Pero sabi po niya sa akin, babalikan niyo daw po ako. Alam niyo po mama, sabi sa akin ni Papa, pag nakita ko daw po kayo, i love ko daw po kayo kasi mama po kita."

"Talaga anak, so love mo si mama?" tanong ko sa kanya.

"Opo."

"Halika nga, kiss mo nga si mama." sumunod naman sa akin yung bata. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Ang sarap sa pakiramdam kasi after 6 years, naramdaman ko ang halik ng anak ko sa akin.

Nakakatuwa lang isipin na hindi galit sa akin ang anak ko kahit iniwan ko siya ng ganun katagal kasi tinuruan siya ng ama niya na hindi magalit sa akin. Napakabuting tao talaga ni Vhong. Sana dumating ang araw na mapatawad na niya ako.

"Eh anak, may tatanong sayo si Mama. Ahmm, anak, may asawa na bang iba si papa mo? May girlfriend na ba siya, or kaya nililigawan manlang?" teka bakit ba ako na curious?

"Wala pa po, pero parang si papa may love na po siya." Love? Si Vhong may mahal nang iba? Bakit parang nasaktan ata ako dun. Bakit sinasabi ng isip ko na sana hindi ko nalang tinanong yon.

A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon