Bago ko po simulan ang istorya ay salamat po sa lahat ng mga readers ng ASC :D...seven chapters plng pero naka 1K reads na haha. Salamat po. Akala ko walang magbabasa nito kaya salamat talaga. 1K palang po pero malaking bagay na po para sa akin at thank you din sa nagbabasa ng iba pang mga storya ko :D
--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--
Anne's POV
Pagkagaling ko sa airport ay hindi muna ako dumeretso sa bahay ko dito sa Pinas. Dumeretso agad ako sa condo ng BFF ko. Teka maitext ko nga ang magandang babae. Ay wag pala, isurprise ko nalang siya. Pagdating ko sa lobby ng condo niya ay agad kong hinanap kung nasan ang elevator. Second floor ang unit ni BFF kaya madali lang akyatin. "TING" ayan at bumukas na ang elevator. Teka, ano nga bang unit 'yon? Tagal ko na kasing hindi nakakauwi kaya ayun nakalimuntan ko na. Ay teka, oo nga pala, may palatandaan ako para sa unit ni K. I LOVE YOU. Tama! Kaya ang unit niya ay unit 214, diba astig?
Nandito ako ngayon sa harap ng pinto ng unit niya. Ito na pipindutin ko na ang buzzer haha. Sigurado ako masusurprise si BFF pag nakita niya ako. Yung babaeng iyon actually, single pa. Mahinhin kasi masyado at hindi masyandong interested sa love life. Pero ngayon kaya, nakakita na siya ng kanyang true man. Hmm malalaman ko rin iyan.
Pagpindot ko ng doorbell ay may narining akong "Sandali lang" alam kong siya na iyon. Pag bukas "B-B-BFF!!" tinis ng boses grabe pero halatang tuwang tuwa siya nung makita ako. "BFF!!, grabe bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka, para nasundo kita." sabi sa akin ng BFF ko. "Eh para masurprise kita." sabi ko naman. "Nako BFF dali pasok ka dali" hindi naman halatang tuwang tuwa siya na nandito ako, kasi kung makahila sa braso ko wagas. Parang mapuputol na ang mga braso ko.
*
*
*
*
Vhong's POV
Nandito kami ngayon ni Best Toni sa isang park. After naming kumain sa resto kasama sila tita ay nagdesisyon kami na magkaron ng time together. Yung as bestfriends time, yung kaming dalawa lang. "Ah manong, pabili nga po ng dalawang ice cream, yung chocolate po" pagkabigay sa akin ni manong ng ice cream ay nagbayad ako. Ito manlang ice cream e malibre ko naman ang best ko. Nakakahiya eh, lagi siya ang nanlilibre sa akin. "Best oh, ice cream, chocolate flavor, favorite mo" kita ko kay Best ang tuwa kasi kahit nung mga bata pa kami, chocolate flavored ice cream talaga ang favorite namin. "Wow best salamat" tapos ay dinilaan niya ang ice cream.
Nakaupo lang kami sa damuhan, nakatingala at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. "Grabe best ang ganda ng mga bituin sa langit no?" sabi sa akin ni Toni. "Pero mas maganda itong babaeng katabi ko ngayon" banat ko naman sa kanya. Ito namang si best, nagmukhang kamatis dahil sa pula haha. "Ewan ko sayo best, puro ka banat eh" sabi naman niya. "Pero kinilig ka naman sa banat ko" at hinampas ako ng slight. "Bahala ka diyan best" tapos ay patuloy parin na tumingala sa langit.
"Best" tawag sa akin ni Toni na kasalukuyang nakapatong ang ulo sa balikat ko. "Bakit best?" tanong ko sa kanya. "Alam mo ba best, sa tuwing tinitignan ko ang langit sa gabi parang naiisip ko ang buhay no parang bituin sa langit, kahit madilim, may mga bituing nagbibigay liwanag parin" sabi sa akin ni Best, wow ang lalim ha. "Wow, best, ang deep. Pero alam mo best tama ka. Parang buhay ko yan eh, madilim pero maraming mga bituin na nagbibigay liwanag sa akin. Anak ko, kapatid ko, nanay ko, at ikaw na bestfriend ko slash amo ko slash financer ko slash marami pa" sabi ko sa kanya at natawa naman siya sa sinabi ko lalo na dun sa financer. "ah ganun best, tingin mo sa akin financer?" tanong niya sa akin. "Hahahah, pero seriously best, thank you. Hindi ko alam ang gagawin ko kung isa man sa inyo ang mawala, at hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ka sa buhay ko. Best I love you" sabi ko sa kanya. Napansin ko, nung sinabi ko yon ay napalingon siya at kita ko sa mata niya ang mga luha. Ewan ko kung ano ang ibig sabihin ng mga luhang iyon, masaya ba siya or malungkot. Pagkatapos niya akong tignan ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit.
BINABASA MO ANG
A Second Chance
FanfictionIsa istoryang hango sa malikot na utak ni Prinsipeng Makulit