C18

433 6 2
                                    

—Sa Pagpapatuloy ng ating istorya—

Vhong's POV

Monday, 1st Day of the week, 1st day na hindi ko na kasama ang anak ko dito sa bahay, 1st day na makakatrabaho ko siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Parang ayaw ko nang ituloy 'to. Imagine, makakatrabaho ko ang babaeng sumira sa buhay ko. Makakatrabaho ko ang babaeng nanloko sa akin. Kapalaran nga naman talaga.

Pero hindi ko pwedeng pairalin ang pride ko, kailangan kong magtrabaho para sa amin, siyempre para sa anak ko na din. Kahit nandun na siya kay Anne ngayon, gusto ko eh may share parin ako sa panggastos sa anak ko.

"Anak, ito kain ka na, pinagluto nita ng favorite mo, Tocilog." aya sa akin ni Mama. Wow, himala at pinagluto niya ako ng agahan. Siguro bumabawi ito sa mga nasabi niya nung isang araw.

"Salamat po Ma, kayo po kain na po kayo." aya ko kay Mama.

Umupo siya sa harap ko, ramdam ko na may gusto siyang sabihin sa akin.

"Anak, sorry ha, dun sa mga nasabi ko, alam kong masakit yun eh at alam ko na lalong bumigat yung naramdaman ko dahil sinabi ko sayo yun. Anak, sorry ha."

HInawakan ko ang kamay niya, pinapakita ko na kahit kailan ay hindi ako nagalit sa kanya.

"Ma, alam mo naman na kahit kailan ay hindi ako nagalit sa inyo. Nalungkot lang po ako kasi kasalanan ko kung bakit tayo ganito. Ma, ako nga po dapat ang mag sorry eh, kasi hindi ako nakinig sa inyo na mag-ingat. PInairal ko parin ang katangahan ko sa pag-ibig. Ma kung hindi naman dahil sa akin, hindi mamamatay si Papa, hindi sana tayo ganito ngayon. Sana nandun parin tayo sa mansyon, at sana nasa atin parin ang kumpanya. Ma sorry po ha." Pagkasabi ko nun ay tinignan niya lang ako tapos ay lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. "Anak stop, it's not your fault. Do not blame yourself okay, nawala man sa atin ang lahat pero ang mahalaga, sama sama parin tayo. Kahit wala na ang papa mo, alam ko na binabantayan niya tayo. At sa tingin mo ba, matutuwa yon kung nakikita niyang nasasaktan ka?" sabi sa akin ni mama na mahigpit parin ang yakap sa akin.


"So anak, handa ka na ba ngayon? Sigurado ka na ba na kaya mo siyang makatrabaho. Pwede ka naman magresign at maghanap nalang ng iba." sabi sa akin ni Mommy.

"Ma, kaya ko po ito, saka bakit ako iiwas sa kanya, siya naman itong may kasalanan ka akin, sa atin. Saka isa pa, para alam ko na rin ang nangyayare kay Stephie." sabi ko kay mama.

"Hay namimis ko na yung pamangkin ko, wala nang makulit na bata dito sa bahay. Hay." at kitang kita ko sa mga mata nila ang kalungkutan.

"Kung kayo namimiss niyo, paano pa kaya ako. Ako na ang mundo ko ay binuhos ko sa kanya. Parang malaking parte ng buhay ko ang nawala."

"Pero alam ko naman na mas mabuti kay Stephie kung nandun siya sa mama niya, para naman gumanda ang buhay ng anak ko at lumaki naman siya na kasama niya ang mama niya."

"Ang bait mo talaga kuya, kahit sinaktan ka na, hindi mo parin pinagkait kay Anne yung anak niyo."

"Para sa anak ko, lahat kaya kong gawin. Kaya kong isantabi ang naging alitan namin ni Anne para kay Stephie."

"Pero anak, please ha, ayaw ko nang makitang umiiyak ka ha. Please, wag ka mo na uli mamahalin si Anne."

"Oo nga kuya, ayaw na namin makita na yung sakit na naramdaman mo nun."

"Promise, hinding hindi na. Dalang dala na ako."

*

"O ma, Fercidand, aalis na ako. Uy Fercidand ha, alagaan mo si mama ha. Ikaw muna bahala dito." bilin ko kay Fercidand, tutal naman, bakasyon na ang kapatid ko.

A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon