C1

981 13 0
                                    

Author's POV

"Kriiiing, Kriiiing" ayan at nagalarm na ang orasan, ibig sabihin ay 4:30 na ng umaga. Kailangan na niyaang bumangon dahil marami ang kanyang gagawin. Pupungay pungay pa ang kanyang mga mata pero kailangan niyang bumangon dahil kailangan siya ng pamilya. Pagbaba niya ay sinumulan na niya ang dapat niyang gawin. Una ay nagluto siya ng pagkain para sa almusal at para sa baon. Naglinis na rin siya ng kanilanng bakuran at ng buong bahay at pinakain ang alagang aso. Sa araw araw, ganyan ang kaniyang ginagawa. Ganyan ang ginagawa ng ating bidang si Ferdinand "Vhong" Navarro. Ayan Vhong, ikaw na ha.

Vhong POV

Ui author salamat. Well magandang umaga madlang pipol, ako nga po pala si Ferdinand Navarro, pero pwede niyo nalang akong tawaging Vhong. Ito ako ngayon naghahanda para mamaya. Siyempre may trabaho kaya kailangan na maayos muna ang lahat. Ayan tapos na akong magluto at maglinis ng bahay. PInakain ko na rin si Bantay. Ready na. Nga pala, ako ay isang crew sa isang fastfood chain sa Mandaluyong. Ang hirap kumayod lalo na't lahat ng kasama ko, sa akin umaasa.. Sa madaling salita, ako ang breadwinner ng family. Pero alam niyo hindi naman ganito ang buhay namin dati eh. Lumaki ako sa isang marangyang buhay. Mayaman, at makapangyarihang pamilya. Marami kaming business na pinatakbo, meron kaming Shopping Malls, Hotels, School, at marami pang iba at masasabi kong napatakbo namin ito ng maayos. Pero lahat ng ito ay biglang nawala sa amin. Parang bula na bigla nalang nawala. Dinudurog nga ang puso ko nang makita kong unti unting kinuha ang laahat sa amin. Yung pinaghirapan ng lolo ko ay naglalaho nalanng bigla. Nawala naman lahat ito nung.....nako ayaw ko nang alalahanin dahil masakit. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay mairaos ko ang pamilya ko dahil wala na si papa. Inatake sa puso dahil hindi na kinaya ang mga nangyayare ngayon sa pamilya kaya ito, kayod marino para lang mabuhay ko sila.

"Ma, Fercidand, gising na kayo kakain na po. Handa na po ang almusal" gising ko sa kanila. 6 na ng umaga kaya kailangan ko na silang gisingin. Pumasok ako sa kuwarto ko dahil may kailangan akong gisingin. Isang napakagandang babaeng natulog dito sa tabi ko. "Magandang Prinsesa, gising ka na. Breakfast is ready" sabi ko sa aking pinakamamahal na Prinsesa. Si Stephanie Charlotte Navarro. Siya ngayon ang maituturing kong kayamanan ko. Sa kanya ko narealize na higit pa siya sa mga ari-ariang kinuha sa amin. Para sa akin, siya ang pinakamagaandang yaman na iniwan niya sa akin. "Steph, anak, gising ka na" sabi ko sa kanya. "Tatay, inaantok pa ako" tignan mo 'tong batang 'to may pasok inaantok. "Anak may pasok ka pa, hindi puwedeng inaantok" sabi ko naman sa kanya. Hay ang cute cute niya talaga. Manang mana kay, nako ayaw ko na siyang banggitin pa. "Ayaw mo anak ha" at kiniliti ko naman siya para magising. "T-t-tatay, t-t-tama na po hahahaahhaha, t-tama n-na po hahahhha" at ayun bumangon din. "Good morning po tatay" tapos humalik at yumakap siya sa akin. Ang sweet niya talaga, kaya mahal na mahal ko itong anak kong ito eh. Sa bagay, super close naming dalawa. "Good morning din mahal kong prinsesa" at kiniss ko din siya sa cheeks. "tatay, lab you po" ang sweet niya talaga. Araw araw pag gising niya lagi siya nag sasabi ng "I love you". Siyempre magrereply ako, "I love you too anak. Halika na anak, kain na tayo para makaligo ka na" tapos ay binuhat ko siya hanggang makarating kami sa dining table.

"Oh anak sige na ako na magliligpit ng kinainan natin at baka malate ka pa. SIge na anak, maligo ka na" sabi sa akin ni Nanay. "Ikaw din Fercidand, maligo ka na at baka malate ka sa school" sabi naman ni Nanay sa kapatid ko. Masaya naman kaming apat dito sa bahay. Masasabi kong kaming apat ay nagmamahalan at nagtututullungan. SI Fercidand ay running for honor. Sabi niya kasi sa akin na pangako daw ay magsisikap siya sa pag-aaral para matulungan niya ako. Nakikita ko naman na nagsisikap siya at pinaparamdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako na kuya niya. Si Mama naman, hindi ko na pinakikilos at mahina na siya. "Ma, ito po budget po natin dito sa bahay. Pasensya na po kayo ma ha, ito palang po kasi kiniita ko ngayong buwan. Pero kasya naman po ito pambayad sa kuryente at tubig". Masuwerte kami at pumayag ang isang kamag-anak ni Papa na tumira sa isang unit nila ng libre. Tubig at kuryente nalang ang kinakailangan naming bayaran. "Anak, baka wala nang natitiira sayo ha." opo nay walang natitra sa akin pero ayos lang iyon. Ang mahalaga ay nagagampanan ko ang responsibilidad ko bilang kuya, anak, at ama para sa kanila. "Nay, wag niyo po ako alalahanin, kaya ko naman po eh. Diba panako ko naman po sa inyo, aalagaan ko kayo. Kayo ni Fercidand at Stephanie. Yan ang pinangako ko kay Papa bago niya tayo iwan." drama diba? "Ay ito o Fercidand, baon mo. Pasensya ka na ha, singkuwenta lang naibibigay ko sayo araw araw. Maliit lang kasi kinikita ni kuya mo eh. Pasensya ka na ha" sabi ko naman sa kapatid ko. "Kuya, wag kang magalala, ayos lang sa akin ito. Ang mahalaga naman kuya nakakapasok ako at napagaaral mo ako kahit hirap na hirap ka na. Kuya wag kang magalala, balang araw, susuklian ko lahat ng paghihirap mo para sa amin" wow na touch ako sa mga sinabi niya. Sa totoo lang, sila ang dahilan kung bakit ako todo sikap. SIlang tatlo an inspirasyon ko sa buhay. SIla lang, wala nang iba. "Salamat brad, salamat, sige na bihis ka na masyado na tayong madrama dito eh" oo ngaa sobrang drama na namin maka umiyak na kami dito.

Pagkatapos maligo ni Stephanie ay ako naman ang sumunod na naligo. Woo sarap sa pakiramdam ng tubig, ang lamig. Pagkatapos maligo ay agad akong nagbihis. PInaspasan ko na ang ligo ko at bihis ko. Ihahaid ko pa iton anak ko sa school. So ayan read na lahat kami, nagpaalam na ako kay mama. "Ma, aalis na po kami. O Steph, kiss ka na kay Lola" sabi ko naman sa anak ko. "Bye po lola" sabi ng anak ko then kiss kay Lola. "Bye apo, pakabait sa school ha". "Opo" sagot ni Steph then ayun as umalis na kami.

Pasensya na po sa 1st UD ko, medyo korny pa. Malalaman niyo kung bakit naghirap ang pamilya ni Vhong sa mga susunod na Chapter kaya sana suportahan niyo p ito :D

--God Bless :D--

A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon