C9

297 12 2
                                    

--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--

"Hoy kayo! lumabas kayo diyan!! LABAS!!" sigaw ng isang babae sa harap ng tinutuluyan nila Vhong. Dali dali namang lumabas ang pamilya Navarro sa sobrang lakas ng sigaw. "M-Mrs. Bonifacio, g-good m-morning po" sabi ni Nanay Imelda kay Mrs. Bonifacio. Si Mrs. Bonifacio ay ang may-ari ng lahat ng units sa compound kabilang na ang tinutuluyan nila Vhong. "Hoy babae, wag mo akong magood mo-good morning ha. Alam niyo ba na 3 buwan na kayong hindi naghuhulog ng mga bayad niyo sa renta?!" sigaw ng land lady. "Nako, Mrs. Bonifacio, pasensya na po, gipit po kasi kami ngayon. Nagtuition po kasi yung anak ko, tapos nagkasakit pa po yung kapatid ko. Pasensya na po kayo Mrs. Bonifacio." sabi ni Vhong sa land lady. "WALA AKONG PAKIALAM, gipit kayo, gipit din kami. May pinapaaral akong anak at dito ko inaasa ang pambayad ko sa tuition sa mga bayad niyo sa renta!" sigaw ng land lady, halatang galit na galit ito sa pamilya. "Mrs. Bonifacio, magbabayad naman po kami, wag po kayong mag-alala" sabi ni Vhong ng buong kababang loob sa babae. "Ilang beses ko nanfg narinig sayo yan Navarro, sawang sawa na ako sa mga linya mong 'yan. Ang isang buwan mapapalagpas ko, pero ang abutin ng tatlong buwan, hindi na puwede 'yon. Ito ang tatandaan niyo ha, hanggang katapusan nalang kayo. Pag after ng katapusan ay hindi parin kayo nagbabayad, pasensyahan tayo, lumayas kayo sa apartment ko!" sigaw ni Mrs. Bonifacio sa kanila sabay alis.

"Vhong, pano 'to, hanggang katapusan nalang tayo. Saan tayo kukuha ng tatlong buwang renta?" sabi ni Nanay Imelda. "Wag kayong magalala nay, gagawan ko po ng paraan" sabi ni Vhong sa kanila. "Kuya, kung tumigil na po muna ako sa pagaaral para makapagtrabaho na ako, at para makatulong ako sa gastusin dito sa bahay." sabi ni Fercidand sa kapatid. "Anong titgil? Walang titigil. Gagawin ko ang lahat, mabuhay ko lang kayong tatlo. Ito ang tatandaan mo Fercidand, iba ang may natapos. Pag meron kang diploma, may bala ka ha." sabi ni Vhong sa kapatid. "Pero kuya..." hindi na natuloy ni Fercidand ang sasabihin dahil sumingit bigla si Vhong. "Hindi Fercidand, sige na magbihis ka na at may pasok ka pa" wala namang nagawa ang kapatid kung hindi ang sumunod. "Mama, wag po kayong magalala ha. Gagawan ko po talaga ito ng paraan para hindi tayo paalisin ni Mrs. Bonifacio. Maghahanap po ako ng iba pang trabaho bukod sa trabaho ko sa coffee shop ni best" sabi ni Vhong tapos ay hinawakan ang kamay ng ina. "Vhong kung tumulong nalang kaya ako sayo. Magtinda ako o kaya naman magtatrabaho ako." sabi ng nanay ni Vhong. "Ma, lalala po yang sakit niyo pag pinagod niyo po ang sarili ninyo." sabi ni Vhong tapos ay humawak sa balikat ng ina. "Pero Vhong, anak, hindi puwede na ikaw lang ang kumakayod dito, pamilya tayo dapat nagtutulungan tayo" sabi ni Nanay Imelda. "Ma, basta, hindi ko kayo magpapagod ha. Ma, ako po ang bahala ha." tapos ay niyakap ni Vhong ng mahigpit ang kanyang ina.

"Papa" sabi ni Stephie na bagong gising tapos ay demeretso sa tatay para humalik. "Oh anak, halika na kain ka na ng breakfast, baka malate ka pa sa school." sabi ni Vhong sa anak tapos ay pinaupo na ito. "Papa, may narinig po akong nagshashout kanina. Sino po siya, inaaway po ba niya kayo papa?" tanong ni Stephie sa ama. "Ah anak wala yun, may nagaway kasi dun sa labas kanina. Sige na my princess, kain ka na, baka malate ka." sabi ni Vhong. 

*

*

*

*

Anne's POV

Brand new day. Ito ang unang araw ko dito sa Pilipinas. After how many years ay mahahandle ko uli ang business ko dito sa Pilipinas. Okay so I am ready to fire. Pagkabangon ko sa kama ay kumain muna ako ng almusal which is cereal, cereal rich in fiber para mamentain ang aking napakagandang figure. After eating ay toothbrush then ligo. Pagkaligo ay pumunta na ako sa aking walking closet. Grabe ang daming damit but i can't decide which one to wear. Aa ito nalang, ang aking plains and prints na formal wear and my primadonna shoes. Okay na 'to, so ACS Philippines, here I come

A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon