C10

341 9 2
                                    

--Ang Nakaraan--

"Congratulations Mr. Navarro, welcome to PhilWorks Construction as our new Site Engineer" then nakipag shakehands si Vhong. "Thank you sir, I promise I will never dissapoint you" sabi naman ni Vhong. "I know Mr. Navarro, I know" tapos ay pinat ang balikat ni Vhong

TOK TOK TOK. "Come in" sabi nung lalake. "Okay Mr. Navarro, you may go now, 8:00 is our official time, don't be late okay" tapos ay sumangayon naman si Vhong. Palabas na sana si Vhong ng pumasok na ang inaasahang bisita, at ito ay napatigil sa kanyang kinatatayuan.

--End--

--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--

"Good morning Mr. Vice President." bati ng manager sa pumasok na VIP. Siya si Mr. Sy, ang vice president ng kumpanya. "Good morning Mr. Morales" tapos ay tumingin ito kay Vhong. "Oh by the way sir, this is Mr. Ferdinand Navarro, our new site engineer for PhilWorks Construction. Mr. Navarro, this is Mr. Sy, the company's vice president." agad namang nakipagsake hands si Vhong sa vice president. "Glad to meet you sir" sabi ni Vhong. "Glad to meet you too Mr. Navarro" tugon naman ni Mr. Sy. "Mr. Navarro, wait kaano ano mo si Mr. Ramon Navarro?" dugsong na tanong ng vice president. "Ah, lolo ko po siya Mr. Sy" sagot naman ni Vhong. "Aa, so you must be his grandson. So nice to see you. Actually I am Ramon's kumpare simula nung mga bata pa kami iho. Well I am sorry for what happened to the company." sabi naman ni Mr. Sy. "Its okay sir." sagot naman ni Vhong na ngumiti ng bahagya. "Bakit hindi ko na kayo makita? Saan na ba kayo ngayon?" tanong Mr. Sy kay Vhong. "Aa, lumipat po kasi kami sa may tondo. Nangungupahan po kami ngayon." sabi naman ni Vhong. "Oh i see, so see you tomorrow, tama ba?" tanong ni Vhong sa manager ng kumpanya. "The day after tomorrow pa sir" sagot naman nung manager. "Okay, see you then Mr. Navarro, goodluck and welcome to PhilWorks Construction" tapos ay firm shake hands

*

*

*

*

"Good morning Ms. Smith" bati ng presidente ng kumpanya kay Anne. "Good Morning Mr. Alvarez." tugon naman ni Anne. "Oh have a seat Ms. Smith, ahmm Linda, juice please for the both of us" sabi ng CEO. "So Ms. Smith, I believe that you are here in PhilWorks because of the construction of CS newest high rise building?" tanong agad ni Mr. Alvarez. "Yes Mr. Alvarez, that's why we are here, to have our transaction with you." sabi ni Anne. "Okay, we shall start Ms. Smith" then the negotiation starts.

*

*

*

*

"Papa!!" laking tuwa ni Stephie ng makita ang kanyang Papa sa gate ng school kay agad itong tumakbo papunta sa kanya. "Stephie, anak" sabi naman ni Vhong tapos ito ay hinalikan sa pisngi. "Kuya!!!" tapos lumapit si Fercidand sa kapatid. "Oh, kamusta naman ang araw niyo. Ikaw Fercidand, kamusta exams?" tanong ni Vhong sa kapatid. "Okay naman po kuya, nasagutan ko naman po lahat. Sana po pumasa." sabi ni Fercidand. "Oo naman Fercidand, papasa yan, kaw pa. Ikaw naman munting prinsesa, kamusta ang school?" tanong ni Vhong kay Stephie. "Papa, alam niyo po, binigyan po ako ni teacher ng 5 stars kasi behave po ako tapos binigyan din po ako uli ng three stars kasi perfect po ako sa test kanina" buong pagmamalaki ni Stephie sa tatay. "Wow. very good anak, dahil diyan, may kiss si Stephie galing kay Papa" tapos ay hinalikan ng maraming marami ni Vhong ang anak. "Yehey, kiniss ako ni papa" sabi ni Stephie. "Kaw ha, lab na lab mo yung kiss ko sayo ha" sabi ni Vhong sa anak. "Opo naman po papa." sabi naman ni Stephie

A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon