C19

248 4 0
                                    

Nilibot ng team nila Anne ang construction site ng kanilang itatayong building.

"So Mr. Navarro, ano sa tingin mo? Tama lang ba lahat ng mga gagawin natin? May mga suggestions ka ba?" tanong ni Anne kay Vhong.

"Ahmm, sa tingin ko eh okay naman lahat ng mga naiisip niyo, all we need is to aalocate the budget for this project. Malaking pera ang gagastusin ng kumpanya dito and we need sufficient budget for that." tugon naman ni Vhong.

"Well for the budget Mr. Navarro, inaasikaso na namin lahat yon. Ay wait lang Vhong, umakyat tayo. Kailangan ko ang mga suggestions mo kung ano ang pede nating gawin dito. As you can see, ano ba ang magagandang materyales na pwede nating gamitin para sa mga walls and everything.

Tuloy tuloy lang ang paguusap ng dalawa tungkol sa mga kakailanganin sa kanilang project.

Habang patuloy sa pagsasalita ni Vhong ay napansin niya na nakatulala lang sa kanya si Anne.

"Ms. Curtis, okay lang po ba kayo? Maam, Maam"

Dahilan para bumalik sa realidad si Anne.

"Ah, continue I am listening."


Anne's POV

Nandito na kami ngayon sa site ng aming itatayong building. Malaki ang lupa infairness. Para a akin perfect na perfect na tong location na to sa major major project namin. Kasama ko si Vhong ngayon at dahil siya naman ay aking engineer, humihingi ako sa kanya ng mga insights.

Hindi parin siya nagbabago, napakalinis parin niya sa katawan niya. Ang bango bango niya parin, amoy baby na bagong paligo. Ang boses niya, nakakainlove parin. Ang malaking nagbago sa kanya eh yung itsura niya, gumawapo na siya ngayon kumpara sa dati, kasi nagkalaman na siya ngayon, di tulad dati, parang konting ihip nga hangin eh makakalas na.

"Ms. Curtis, okay lang po ba kayo? Maam, Maam"

Ay, teka hindi ko namalayan, nakatitig na pala ako sa kanya. Nakakahiya yun ha

"Ah conitnue, I am listening"

Teka bakit ko naisip yung mga yun? Bakit parang pinagpapantasyahan ko si Vhong, hindi..hindi...hindi aaa HINDI!!!!!

.........

Maya maya ay lunch time na. Pinagbreak ko na muna silang lahat.

"Okay lunch time na, break muna sa pag-gawa ha" sabi ko sa kanilang lahat tapo ay kanya kanyang punta sa puwesto para makakain na ang lahat. Pansin ko si Vhong paalis, saan papunta yun?

"Pareng Vhong, tara kain muna tayo." Aya nung isang katrabaho niya

"Sige Eric, may lunch out ako eh."

"Ah ok sige, ingat pre."

"Sige salamat tol"

"Mr. Navarro, ahmm san ka pupunta?" tanong ko kay Vhong.

"Ahhm, Ms. Curtis, pupunta lang po ko sa cafe malapit dito eh, maglulunch kami together ng bestfriend ko." Si Toni nanaman. Tssss

"Ah, baka malayo yun, hanggang 1:30 lang ang break natin remember." sabi ko, para hindi na umalis si mokong. Para ma discourage hehe.

"Ah, malapit lang yun dito, siguro mga 10 mins lang po ang travel time." What, malapit lang yun dito? Eh ano ba pakialam ko, buhay niya yan.

"Ah, okay sige remember, 1:30" 

"Opo maam." tapos ay dali daling lumabas at nakita ko siyang sumakay agad ng taxi.

--End of POV--

A Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon