--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--
"Best, wui best, okay ka lang ba?" tanong ni Toni sa kaibigan, kasalukuyan kasi ngayong nasa mall ang si Vhong, Toni, at Stephie. Pinagmamasdan lang nila si Stephie habang naglalaro.
"Ha?" tanong ni Vhong sa bestfriend.
"Lutang ka ata ngayon best? Kanina pa kita nakikita eh, hindi lang kita tinatanong" sabi ni Toni
"Okay lang ako best. Ano ka ba, baka pagod lang siguro ako." palusot ni Vhong na hindi sure kung bebenta nga talaga ang palusot niya.
"Hoy Ferdinand Navarro, kilalang kilala na kita mula ulo hanggang paa kaya alam kong may problema ka kaya wag ka nang magpalusot diyan. Ano ba problema best?" tanong ni Toni.
"Alam mo kahit kailan, wala akong maitago sayo." sabi naman ni Vhong
"Siyempre no, ano ba kasing problema at nagkakaganyan ka?"
"Best, hindi ko alam kung paano simulan."
"Anong hindi mo alam, madali lang naman, ibuka mo bibig mo tapos magsalita ka." biro ni Toni
"Pilosopo lang ha." sabi naman ni Vhong.
"Ito naman joke lang. Ano nga problema best, sabihin mo na kasi. Makikinig ako, at baka makatulong pa ako diba?" sabi ni Toni.
"Okay best, Anne is back, nagkita uli kami." sabi ni Vhong
"Sus, yun lang pala...ANO???!!!!" gulat na tanong ni Toni.
"Nandito na sa Pilipinas si Anne, and ang masaklap, magiging katrabaho ko siya." napanganga nalang si Toni sa mga narinig, hindi niya inaasahan ang nalaman.
"Hindi ko pa nga masabi kela mama at Fercidand dahil alam mo namang galit na galit sila kay Anne. Baka atakihin pa si mama sa puso pag nalaman niya." sabi naman ni Vhong.
"Eh, bakit daw siya nandito? Siguro para kay Stephie no?" tanong ni Toni.
"Yun na nga, nandito siya para sa anak namin. Gusto pa niyang kunin sa akin ang anak ko. Kapal naman niya, 6 years siyang hindi nagparamdam kay Stephie then kukunin nalang ng ganun ganun, hindi ako papayag." madiin na sabi ni Vhong.
Hinaplos haplos naman ni Toni ang likod ni Vhong para pakalmahin ito ng konti.
"Best, bakit naman siya ganun, bakit ba siya bumalik. Para pahirapan uli ako, para durugin uli ako. Best unti unti ko nang binubuo uli ang sarili ko at inaangat ang buhay namin, tapos nandito uli siya, para sirain uli lahat. Ang sama naman niya." unti unti nang tumutulo sa mga mata ni Vhong ang luha.
"Best, tama na, malalagpasan mo rin lahat 'yan. Eh alam na ba ni Stephie ang tungkol sa mama niya. Saka paano mo sasabihin kay Stephie na nandito na uli ang mama niya?" tanong ni Toni.
"Oo alam na ni Stephie ang tungkol sa mama niya. Best hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ang ang anak ko sa akin. Alam mo naman diba, si Stephie ang buhay ko. Best, ayaw ko siyang mawala." naiiyak na rin si Toni sa mga naririnig niya. Saksi kasi si Toni sa kung ano man ang ugnayan ni Vhong sa anak.
"Best, ito ang tatandaan mo, ikaw ang ama, ipaglaban mo kung ano ang tama. Basta nandito ako, kami para sayo, hinding hindi ka namin pababayaan tatandaan mo yan."
"Best salamat ha."
"Mukhang kailangan mo ng abogado para dito, sige kakausapin ko ang tito ko para matulungan ka ha. Tama na, wag ka nang umiyak, hindi naman namin hahayaan na makuha si Stephie nung Anne na yun no."
*
*
*
*
BINABASA MO ANG
A Second Chance
FanfictionIsa istoryang hango sa malikot na utak ni Prinsipeng Makulit