Chapter 2

377 26 1
                                    

Nasa loob lang ng kwarto si Roni.Gumagawa siya ng lesson plan para sa  klase niya kinabukasan,pero hindi siya makapag concentrate.Walang-wala siya sa focus dahil may isang taong pilit na nagsusumiksik sa isipan niya.Walang iba kundi si Borj.Sa tagal ba namang panahon na hindi sila nagkita,kung kailang tahimik ang buhay niya,aba nga naman!at bigla-biglang magkukrus ang landas nila ni Benjamin "Borj" Jimenez.

Pero teka,Sino nga ba si Borj sa buhay ni Roni???

Dali-daling nanumbalik sa isipan ni Roni ang lahat.Flashback muna tayo😀

Kaklase niya si Borj mula pre-school hanggang Highschool

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaklase niya si Borj mula pre-school hanggang Highschool.Itinuring niyang mortal na kakumpetensiya si Borj sa larangan ng akademiko. Matalino si Roni. Pero, mas matalino si Borj. Simula nang maging magkaklase sila. Palaging si Borj ang Top 1,at siya,laging pumapangalawa lang.Inis na inis siya sa lalaki dahil dun.Kaya niya sigurong makipagsabayan kay Borj kung walang pag-uusapang numero.Hindi naman siya polpol sa Math.May ibinubuga rin naman siya,kaya lang,iba ang galing ni Borj pagdating sa pagkukuwenta.Human Calculator nga ang naaala-ala niyang tawag ng karamihan kay Borj.Very active din si Borj sa mga club,samantalang siya,piling-pili lang niya kung saan siya sumasali.Kaya,madalas,naiiwan din siya ni Borj pagdating sa co-curricular activities.Kaya hayun,guma graduate si Borj as valedictorian,at siya,salutatorian lang.Pangalawa lang lagi kay Borj.

Pero natatandaan niya,napakakulit talaga noon ni Borj.Maingay sa klase.Walang pakialam kung may quiz.Walang alalahanin kung may graded recitation man.Napaka chill na tao .Kaya naiirita siya.Kasi,si Borj ang type na kahit hindi mag-aral ang tli-talino.Samantalang siya,subsob talaga siya sa pag-aaral para makakuha ng mataas ng marka.Pero kahit anong gawin niya,laging 2nd  lang siya.

Ang sabi noon ng Mommy niya,'wag pakaseryosohin ang pag-aaral dahil bata pa naman siya.Pero ewan ba niya kung bakit sa murang edad niya,nabuhay sa puso niya ang pangarap na balang-araw mauungusan niya si Borj.Kaya nga nagsunog talaga siya ng kilay pero talagang hindi niya kinayang malampasan si Borj.

Natatandaan din niya ang isang ugali o style ni Borj,Maglilibot ito sa loob ng classroom nila tapos saka malakas na sasabihin na buo na daw ang araw niya,dahil nakita na naman daw nito ang ultimate crush niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natatandaan din niya ang isang ugali o style ni Borj,Maglilibot ito sa loob ng classroom nila tapos saka malakas na sasabihin na buo na daw ang araw niya,dahil nakita na naman daw nito ang ultimate crush niya.Pero clueless silang lahat.Walang hint kung sino ang napupusuang babae ni Borj noon.Naging ugali na ni Borj ang ganung style mula elemantary pa lang sila hanggang mag-highschool.Ayaw niyang mag-assume,na siya ang crush ni Borj.Pero,naisip na niya 'yun minsan.Madalas kasi,nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya.Minsan pa,tumatabi ito sa upuan niya para lang kulitin siya.Pero dahil naging style na nga yata ni Borj talaga ang pagiging makulit kahit kaninong babae kaya hayun,parang nakasanayan na ng lahat ang pag-uugali ni Borj.Kaya,napakahirap talagang hulaan kung sino ang crush ni Borj noong elementary pa lang sila at highschool.

💖Miss Roni💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon