Nakaalis na si Borj pero hindi pa rin maipinta ang mukha ni Roni.Bakit ba napaka presko ni Borj??Nakakairita talaga.Bakit lahat na lang ng atensiyon ng nga taong nasa paligid niya,madaling nakukuha nito.Nahuhulog na siya sa malalim na pag-iisip nang bigla na lamang niyang naramdaman ang marahang pagtapik ng mommy niya sa balikat niya.
"Ano kayang iniisip nitong dalaga ko?" --malumanay na tanong ni Gng.Salcedo,ang mommy niya.
"Eh,mommy.Naiinis ako kay Borj eh" --nakasimangot na sumbong niya dito.
" Kay Borj.Bakit naman?Anong problema sa kanya?" --kunot noong tanong ng mommy niya.
"Kasi Mommy,nakakairita talaga.Biruin ninyo po mommy ha,ilang years hindi kami nagkita,tapos ngayon,nananahimik ako sa sarili kong mundo tapos bigla-bigla darating na lang siya." ---mahabang salaysay ni Roni.
"Ginugulo ka ba niya Roni" --tanong muli ni Gng.Salcedo.
Hindi nakapagsalita si Roni.Sa totoo lang,hindi naman siya ginugulo ng lalaki.Nagkakataon lang siguro na talagang ugali na ni Borj yung pagiging makulit.Ganun na ang pagkakakilala niya dito simula sa pagkabata pa lang.Pero,yung emotions niya,dun..siguradong naguguluhanan siya.Yun ang siguradong ginugulo ni Borj.Dahil madalas,bigla na lang niyang naiisip ang lalaki.Madalas,bigla-bigla na lang siyang napapangiti kapag naiisip si Borj.Madalas din,hindi siya makatulog dahil kailangan pa niyang isipin si Borj.
Huminga siya ng malalim.Senyales ba ng pagiging in-love ang nararamdaman niya.Pilit nga bang itinatago ng inis at galit niya ang totoong nararamdaman niya para sa lalaki.Paano ba niya aaminin ang feelings niya?Saka kanino ba niya pwedeng sabihin ang totoo?Dyahe naman kung sa mommy niya.Never naman siyang nagsabi ng sekreto dito kahit mga crush niya noon eh.
Pero ngayon talaga,nagugulo ang pag-iisip niya dahil kay Borj.Yun ang malinaw para sa kanya ngayon."Para sa akin,mukhang wala namang problema kay Borj,napakabuting bata.Nakakatuwa,akalain ko ba naman na mag -e-engineer nga ang batang yan" --nangingiting kwento ni Gng.Salcedo.
Tumahimik lang siya.Hinintay ang iba pang sasabihin ng ina."Alam mo ba Roni,tayong mga teachers,malaki ang nagiging impact natin sa mga batang tintuturuan natin.Hindi man nila aminin o sabihin satin 'yun" --nakangiting salaysay pa rin ng kanyang ina.
" Pero kay Borj,iba..."--saglit na pinutol ng mommy niya ang pagkukuwento.
" Paano naman pong naging iba mommy?"--takang tanong niya rito.
" Kasi, sa kaso ni Borj,mukhang hindi ako ang nagkaroon ng malaking impact sa buhay niya.Kung hindi ikaw Roni"--at nakangiti nitong tiningnan ang anak.
" A-ako...bakit po ako?"--takang tanong niya muli.
Humugot ng malalim na buntong-hininga ang mommy niya.Saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Natatandaan ko pa noong Grade six pa lang kayo, lumapit si Borj sakin kasama ang kaibigan niya. Ang sabi niya sakin, crush ka daw niya.Ngumiti lang ako sa kanya noon.Sabi niya kung hindi daw ba ako nagagalit kung crush ka niya.Sabi ko naman sa kanya noon.Bakit ako magagalit eh natural lang naman ang magkaroon ng crush."--natatawang kwento pa rin ng mommy niya.Maya-maya ay muli itong nagpatuloy sa pagkukwento.
"Sabi pa niya noon,kung pwede daw ba siyang manligaw sayo?Sa halip na sagutin ko 'yung tanong niya,tinanong ko siya.Sabi ko,ano bang gusto mong maging paglaki?Tandang-tanda ko ang sinabi niya.Balang-araw,gusto daw niyang maging engineer.Kaya ang sabi ko sa kanya noon,mag-aral siyang mabuti,magtapos ng pag-aaral at sabi ko sa kanya kkapag engineer ka na puntahan mo ako at saka mo ligawan si Roni"---nakangiti pa ring kwento ng mommy niya.
Na-touch si Roni sa kwentong iyon ng ina.Hindi niya akalain na may malalim palang kwento si Borj.At hindi niya inaasahan talaga pero,totoo nga..siya ang babaeng crush ni Borj noon.Kaya pala madalas nga niya itong mapansin na nakatangin sa kanya.At ang sobrang pangungulit nga pala ni Borj sa kanya noon ay may malalim na kahulugan.
So,anong ibig sabihin ni Borj ngayon.Manliligaw na ba sa kanya ang lalaki?Kasi engineer na ito ngayon at totoong may maiipagmalaki.OMG Roni,ano ka ngayon?Matagal mo na palang admirer si Borj eh.
Hindi alam ni Roni kung ano ang dapat sabihin matapos marinig ang kwento ng mommy niya.
"Sobrang saya ko Roni,dahil natupad ni Borj ang pangarap niya na maging engineer.Ipagdarasal ko na lang na sana matupad pa ni Borj 'yung ibang pangarap niya sa buhay."--at nakangiti nang tumayo ang mommy niya at pumasok na sa loob ng kwarto.
Naiwang nag-iisip si Roni.Pero sa sandaling iyon,kinikiliti na ang kanyang puso.Si Borj ang nasa isipan niya.Talagang nabubuhayan ang puso niya nang labis na paghanga sa lalaki.
Paano kaya kung -inlove na nga siya dito???matutuwa kaya ang mommy niya.Kung si Borj kaya ang unang magiging boyfriend niya,magiging katanggap-tanggap ba 'yun sa mommy niya.(Ups Roni,masyado ka na namang advance mag-isip.Hindi pa nga nanliligaw si Borj,boyfriend agad ang naiisip mo)--bulyaw na naman ng kaliwa at kanang bahagi ng utak niya.
Lihim siyang napapangiti.Lihim siyang nabubuhayan ng kaligayahan.Dapat na ba niyang aminin na in-love na nga siya sa lalaking makulit na 'yun?
Nakangiti niyang kinuha ang cellphone.Naroon pa rin ang friend request ni Borj.Iko-confirm na ba niya ang binata..Mariing siyang pumikit.Pinindot na niya ang confirm.At sa wakas,friends na sila ni Borj sa fb at active na rin siya sa messenger.
Lihim siyang napapangiti.Ang saya-saya ng pakiramdam niya.Nakangiti siyang muling umakyat ng kwarto at muli ay binuksan niya ang fb app niya nang makakita siya ng notification.
Heto ang nabasa niya.@Ronaliza Salcedo
Minention pa talaga siya ni Borj.Inaamin na niyang talaga.Kinikilig na siya sa mga banat ni Borj.Napapangiti na siya ng lalaki.Hindi na pagka irita ang nararamdaman niya ngayon.Iba na talaga.Ibang-iba na.
Hindi niya alam kung maglalagay ba siya ng comment or magrereact sa post na yun ng binata.Nag-iisip pa siya ng gagawin ngunit maya-maya naman ay tumunog ang kanyang messenger.
OMG Roni,message from Borj Jimenez.Hindi niya alam kung bakit bumilis ang kaba sa dibdib niya.Binuksan niya ang message ng lalaki "Hi",yun lang ang nabasa niya.Simple word lang.Isang salita lang.Pero bakit pakiramdam niya kinulayan nag salitang iyon ang mundo niya.
Uyyy kinikilig ka na nga Roni.Aminin naiin-love ka na nga--tudyo ng utak niya.
Napapangiti siya sa naiisip.Sinagot niya ang "Hi" na iyon ng lalaki.
At iyon na..Nagsimula na silang magka chat..Naku..naku...ano kayang pinag-uusapan nila..
Abangan na lang natin!
Tara next chapter na tayo😂Hello mga Sissy... Happy Reading.. 🙂
Feel free to leave your comments and votes.
Proud STEFCAM fan💖
#Dimakamoveon😂
BINABASA MO ANG
💖Miss Roni💖
RomanceHellow mga ka-Stef Cam.. 'Di pa rin ba kayo maka move-on katulad ko.? Try ninyo na lang basahin ang panibagong kwento ng pag-ibig nina Engineer Benjamin "Borj" Jimenez, at ang nakakakilig na tagpo nung makita niyang muli si Miss Roni.. #Proud StefCa...