Chapter 8

298 26 1
                                    

Ilang araw na simula nang magtapat ng pag-ibig sa kanya si Borj. Pero, ilang araw na ring naghihintay si Roni. Napansin kasi niya, mula nang magtapat ng nararamdaman si Borj hindi na niya ito muling nakita pa. Nagalit ba sa kanya si Borj? Nagtampo kaya?Pwede rin bang napahiya o sumama ang loob? Ilang araw na kasing hindi ito nagpaparamdam. Hindi rin niya nakikita ang binata sa ginagawang school building. Mukhang hindi ito napapasyal at nagtsetsek. Mas minabuti ba ng binata na sa office na lang. Tinitiis ba talaga siya ng binata o nagpapamiss ba ito sa kanya. Kahit sa messenger wala itong message sa kanya. Hindi rin naman ito nagtetxt o tumatawag sa cellphone niya kahit ibinigay naman niya dito ang number niya. Hungkag ang kalooban ni Roni sa umagang 'yun. Alam niyang may kulang, kapag hindi niya nasisilayan ang gwapong mukha ni Borj. Tamang-senti na sana siya nang mapansin  niya na nasa harapan na pala niya si Jayjay.Hindi niya namalayan ang paglapit ng bata.Napangiti na lang din siya dito nang mapansin na ngiting-ngiti ang bata sa kanya.

"Jayjay Bakit?" ---tanong niya sa bata.

"Teacher,i have something for you.My Daddy wants to give you this" --nakangiti pa rin ang bata.

Maya-maya ay inilabas nito sa likuran ang dala-dala.May isang red rose  fresh flower at small white envelope na iniabot ang bata.

Kahit naguguluhan ay tinanggap yun ni Roni.Hindi naman siguro masama kung tatanggpin niya ang dala ni Jayjay.Baka malungkot ang bata kung sakaling tanggihan niya ito.

"Salamat Jayjay ha" --nakangiting saad niya kay Jayjay.

Bumalik na si Jayjay sa upuan nito.Nakangiti niyang inamoy-amoy ang bulaklak saka inilagay sa flower vase na nasa teacher's table.Maya-maya ay ang envelope naman ang napagdiskitahan niya.Tahimik niyang binuksan iyon at binasa kung ano ang nakasulat..Simple notes lang naman,pero naghatid ng kakaibang kilig at saya sa puso niya.

Dear Miss Roni,
  Sorry naging busy lang ako lately.Pero 'yung utak ko naman sobrang busy sa pag-iisip sa'yo.
I love You..💖
---Borj

Tumingin si Roni sa paligid.Siniguradong walang nagmamasid sa kanya.Nang,masiguradong walang ibang nag-oobserba sa kilos niya,saka niya pinakawalan ang kanina pang pinipigilang tawa.Hindi niya maitatago  ang nararamdamang kilig.
Korni na kung korni pero,may korni ba para sa taong in-love...????

Teng!Teng!Teng!
Hudyat  na labasan na.Sa wakas,natapos ni Roni ang buong maghapon.Kahit hindi niya nasilayan si Borj,masaya at magaan ang kalooban niya dahil sa love notes na natanggap niya sa binata.Nagre-touch lang siya sandali at balak na ring umuwi nang muli niyang mapagmasdan ang bulaklak na padala ni Borj.Lihim siyang napapangiti.Hindi siya makaget-over sa kilig.Mas nakakakilig siguro kung si Borj ang mag-aabot nang bulaklak sa kanya.Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni nang marinig niya ang malalakas at sunod-sunod na katok sa pintuan ng kanyang classroom.Napapitlag na naman siya mula sa kinauupuan.

Si Teacher Lyka lang pala.Mukhang dinaanan lang siya para sabay na silang umuwi.
"Oy teacher,aba..aba...aba..." ---puna agad ng kaibigan nang mapansin ang bulaklak na pinagmamasdan niya.

"May pabula-bulaklak pa..Kanino galing 'yan" ---tila nag-iimbestigang himig nito.

Tumingin siya sa kaibigan.Nahihiya siyang ngumiti saka mahinang sumagot.

" Kay Borj"--sagot niya.

" Hmmmm.mukhang malakas ang tama ni engineer sayo ah"---nasa himig nito ang panunudyo.

" Tanong ko lang teacher ha..May pag-asa naman ba?"--usisa nito sa kanya.

" Ha?"--nagulat siya sa tanong na 'yun.

Pero kaibigan niya si Teacher  Lyka.Kailangan ba niyang maglihim dito.Oh,aaminin ba niya na may nararamdaman din naman siya para sa binata.

"Ahm...Teacher Lyka,paano kung..." --naiilang siya kaya hindi niya agad direktang masabi sa kaibigan ang totoong damdamin niya.

💖Miss Roni💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon