Chapter 7

313 23 2
                                    

Maagang nagising si Roni sa umagang iyon.Magaan ang mood niya.Sabik pa yata siyang makapasok agad sa school.Siyempre,alam niyang nasa paligid lang si Borj.Tahimik lang siyang dumadalangin na sana ay makita niya ang lalaki.Inaaamin na niya sa sarili ngayon Na may hatid na kilig si Borj sa puso niya.

Focus si Roni sa pagtuturo sa buong maghapon.Masiglang-masigla.Sabagay,ganun naman talaga siya sa harap ng mga bata.Kailangang maipakita niya na lagi siyang masigla at kailangang i-set aside muna kung meron mang problema.

Sa wakas ay sumapit na muli ang buong maghapon at tapos na ang klase.Nagpapahinga na siya sa classroom at nag-aayos na ng gamit.Maya-maya ay nagulat siya nang makita si Borj na nakatayo sa may pintuan  ng classroom niya.Napatayo siya sa sobrang gulat.Tila nakaramdam siya ng pagkailang ngayong kaharap na niya ang binata.Kung ano-ano kasi ang naging topic nila sa chat kagabi at sakay lang naman siya nang sakay sa mga joke ni Borj.Ngayon,magkaharap na nga sila.As in silang dalawa lang.Napakagat labi siya?Paano nga ba niya haharapin si Borj.

"Hi Miss Roni,di ba nagkasundo tayo kagabi na ihahatid kita ngayon.Kaya nandito ako para ihatid ka"---kaswal na sabi ng binata at talagang napakagwapo nito lalo na 'kapag ngumingiti.

Hindi agad siya makaapuhap ng sasabihin sa binata.Iba pala ang lakas ng loob niya kapag ka -chat lang niya ito kesa kapag kaharap na.Nakita niyang palapit nang palapit si Borj sa kanya.Muli siyang umupo para muling kumuha ng lakas.Feeling kasi niya,nanginginig ang mga tuhod niya at parang tinatambol ang dibdib niya.

"Baka pwede muna tayong magmeryenda bago ka umuwi?"--nakangiting aya sa kanya ni Borj.

" S-si Jayjay ba?" --nauutal na tanong niya.

"Nasundo na siya ng driver.Ano,Tara" ---nakangiting muling aya nito sa kanya.

Susmiyo,kung nalalaglag lang ang puso baka kanina pang nagpatumbling-tumbling ang puso niya sa sobrang kilig.Eh 'yung ngiti at titig kasi ni Borj eh.Nang-aano kasi.
Nakakawala nang konsentrasyon.

Tipid siyang ngumiti sa binata. Hindi talaga niya lubos maintindihan 'yung nararamdaman niya.Parang nawala lahat ang pagod niya nang makita si Borj.

"S-sige ba..Game!" ---nakangiting sagot niya dito.Pinaglabanan niya ang pagkailang na nararamdaman.Sinikap niyang maging kaswal sa harap ng lalaki.Maya-maya nga ay magkasama nang lumabas sina Borj at Roni sa loob ng classroom.

Maya-maya nga ay magkasama nang lumabas sina Borj at Roni sa loob ng classroom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Bagay na bagay oh...Wohooooo🤣)

Nagpark ang sasakyan ni Borj sa isang restaurant.Ipinagbukas siya nito ng pintuan ng kotse at naiilang naman siyang bumaba.

"Hindi ba nakakahiya Borj,naka uniform kasi ako" ---naiilang niyang wika sa kasama.

" Ok lang 'yan Miss Roni..Kakain lang naman tayo.Ang masama, kung hahalikan mo ako tapos nakauniform ka"---nakangiting biro na naman sa kanya ng lalaki.

Napatawa na lang siya sa birong iyon ng kasama.Nahampas tuloy niya sa balikat ito.

Wow! Feeling close ka Roni ha. May pa-tapik tapik ka pa talaga sa balikat ni Borj ha.--tudyo naman ng utak niya.

💖Miss Roni💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon