Last Chapter

507 35 21
                                    

"Miss Roni,sandali" --narinig niyang pigil sa kanya ni Borj .

"Hindi kita gusto lang...Kasi mahal kita" --Direktang pag-amin muli nito sa kanya.

Kung kanina ay gusto niyang tumakbo palayo sa binata,ngayon naman ay gusto na niyang yakapin nang mahigpit ang binata dahil sa sobrang kilig sa sinabi niya.Pero siyempre,kailangan niyang pigilan ang sarili.Naupo na lamang siyang muli sa tabi nito.Nag-isip nang sasabihin.Nag-ipon ng lakas ng loob bago muling nagsalita.

"Hindi ba dati tinanong mo ako,kung posible ba na ma-inlove ako sayo?Borj,importante pa ba sayo ngayon,kung ano 'yung isasagot ko"--mahinang saad niya sa lalaki.

" Siyempre naman Miss Roni.Pero sana magustuhan ko 'yung isasagot mo"--narinig niyang sagot ni Borj.

Tumingin siya sa lalaki.Kahit pa nahihiya siya sinikap niyang ngumiti  sa binata at saka tumango-tango.

"Teka Miss Roni,pwede mo bang ipaliwanag sakin 'yung ibig sabihin ng pagtango mo" --nakangiting wika ni Borj sa kanya.

Napahiya si Roni.Hindi na nga niya magawang magsalita dahil nahihiya siya sa lalaki tapos ngayon pipilitin pa rin siya nitong magsalita.

"Huh!?,ahmmm..Eh.Borj ,alam mo na 'yun" --parang nag-iinit na ang mukha niya sa pagkapahiya sa lalaki.Naiinis na din siya dahil umaatake na naman ng kakulitan ni Borj.

"Naku,Miss Roni ha.Kailangan,ikaw mismo 'yung magsasabi kung ano ang ibig sabihin nung pagtango mo,baka mamaya mamis interpret ko pa 'yung gusto mong sabihin.Ano ba kasi 'yun"--nakangiti pa rin si Borj.Halatang inaasar na siya ng binata.

" Eh di ba matalino ka,so dapat alam mo na 'yung logic?"--mataray na sagot niya sa lalaki.Nagsisimula na kasi siyang mapikon dito.

"Pero Miss Roni mahirap naman baka" ---

"Ok... Sige.. sige.. sasabihin ko na." --awat niya sa lalaki.

"Di ba dati tinanong mo ako kung posible  akong ma-inlove sa'yo!Dapat ,noon ko pa sayo sasabihin to eh,kaya lang"--bahagya siyang tumigil sa pagsasalita..

" Kaya lang ano,Miss Roni"--seryoso na muli ang binata.

" Kaya lang natatakot akong masaktan eh,baka mamaya kapag nalaman mong mahal kita,lokohin mo lang ako,tapos ma broken heart lang ako,tapos.."--Napatigil siya sa pagsasalita nang maramdaman niyang mahigpit na hawak na ni Borj ang kamay niya.

"--Napatigil siya sa pagsasalita nang maramdaman niyang mahigpit na hawak na ni Borj ang kamay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Miss Roni,hindi ko magagawa sayo iyon.Hindi kita magagawang saktan.Kung..kung nung mga bata pa tayo,hindi kita nagawang kalimutan,mas lalong hindi ko kayang saktan ka.Mahal na mahal kita Miss Roni"--ramdam na ramdam niya ang sinseridad sa boses ng binata.

Mabilis na nangilid muli ang mga luha niya.Hinayaan niyang tumulo ang luha ng kaligayahan sa puso niya.

Hindi na niya napigilan ang saya at kilig na nararamdaman.Mahigpit siyang napayakap kay Borj.At doble ang kilig na naramdaman niya nang maramdaman din niya ang mainit na yakap ni Borj.

At doble ang kilig na naramdaman niya nang maramdaman din niya ang mainit na yakap ni Borj

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa wakas,nasabi din niya kay Borj ang tunay niyang nararamdaman.At ngayon,may boyfriend na siya.Walang iba kundi si Engineer Benjamin "Borj"  Jimenez,at si Borj naman,sa wakas natagpuan  niyang muli ang kanyang una at huling pag-ibig..Walang iba kundi si
"MISS RONI".

                             💓The End💓

Guys..sorry sa late update..✌️😂
Hope nagustuhan ninyo po ang story ko!🙂

God bless 💓

Thanks po sa support..💞

Hello mga Sissy... Happy Reading.. 🙂

Feel free to leave your comments and votes.

Proud STEFCAM fan💖
#Dimakamoveon😂

💖Miss Roni💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon