Chapter 5

312 26 2
                                    

Pauwi na sina Roni. Kakaiba ang saya niya sa araw na 'yun. Eh, paano ba naman, nakakaganti siya kay Borj. Nakita niya kung paano napahiya ang lalaki sa mga co teachers niya nang tanggihan niya itong ihatid siya sa bahay. Sakay na siya sa dyip pauwi pero ang eksena pa ring 'yun ang palaging bumabalik sa isip niya. Alam na niya ngayon kung paano gagantihan si Borj. Sige Borj mangulit ka lang nang mangulit at pihadong may kalalagyan ka naman. Pilyong bulong na naman ng utak niya.

"Manong Drayber para po!" --Sabay pukpok ni Roni sa bubungan ng dyip para marinig siya ng drayber. Agad siyang bumaba ng tumigil ito sa tapat ng gate ng bahay nila.

Pero nagtaka siya. Bakit may nakaparadang pulang kotse sa tapat ng bahay nila. Kaninong kotse 'yun? Iisa lang ang kilala niya na mayroong pulang kotse. Pero hindi.. hindi Roni.. Ayaw niyang isipin na sa kanya nga ang kotseng 'yun. Tiningnan nga niya ang plate number ng kotse, ang problema hindi naman niya tanda ang numero ng kotse ng lalaking 'yun. Gusto na namang umangat ng kilay niya dahil nagsisimula na naman siya makaramdam ng pagkainis. Kahit kinakabahan, kailangan pa rin niyang pumasok ng bahay at alamin kung sino nga ang bisita nila. Alangan namang magpakaburo siya sa labas ng bahay. Binuksan niya ang gate at dahan-dahang pumasok sa loob. Nakita niyang nakaupo doon sa may garden ang mommy niya at may kausap ito. Narinig pa niya ang malakas na tawa ng mommy niya bago siya napansin nito.

"Uy Roni, iha, mabuti at nandiyan ka na. may bisita tayo dito. Halika anak, nandito si Borj, natatandaan mo pa ba siya"---tuwang-tuwang pakilala ng mommy niya.

Sa halip na matawa ay awtomatikong umangat ang isang kilay niya. Nilingon siya ni Borj na nakangiti na naman sa kanya. At, talagang may kakaiba sa ngiti ni Borj. May kung anong karisma ang ngiti ng lalaki na tila naghihipnotismo para mawala siya sa sarili.

" Roni, halika dito. Natatandaan mo pa ba si Borj. Siya 'yung dati mong kaklase"--nakatawa pa rin ang mommy niya sa pagkukuwento.

Hindi ba nabanggit ni Borj sa Mommy niya na matagal na silang nagkita. At ang dami-dami nang nakakairitang sitwasyon ang nangyari sa kanilang dalawa.

" Mommy, aakyat na ako sa kwarto ko ha. Sobrang dami ko pa pong gagawin"---mabilis na paalam niya sa ina at hindi man lang tinapunan ng tingin at kahit ngiti man lang si Borj.

"Pero Roni naman--"saway ng mommy niya.

"Bye Mommy" ---at pumasok na ang dalaga sa loob ng kabahayan.
Pagdating sa kwarto,lihim siyang napapangiti.Mukhang naka 2points agad siya kay Borj.

Bakit naman kasi nandito ang lalaking iyon.Anong plano nun sa buhay?
Haiii ewan ko sayo Borj Jimenez,manigas ka diyan!--mariing sabi niya sa sarili at nagbihis na nga siya ng damit pambahay.Inilabas ang lesson plan notebook at ballpen.Naisipan niyang dumungaw sa bintana upang alamin kung naroon pa ba ang kotse ni Borj.At naroon pa nga ang damuho.Kaya hindi na lang muna siya bumaba ng kwarto at pinilit niyang tapusin ang lesson plan niya kasunod noon ay ang instructional materials naman niya.

Tumingin siya sa orasan,gabi na.7:00 pm na pero bakit hindi pa rin umaalis ang lalaki sa bahay nila.Ganun ba kahaba at ka exciting ang naging usapan ni Borj at ng mommy niya para gabihin ito.Napakagat labi siya.Mabuburo siya sa loob ng kwarto kapag hindi pa rin umalis si Borj.

Maya-maya ay narinig niya ang marahang katok sa pintuan ng kanyang silid.

"S-sino yan" ---tanong niya.

"Ma'am si Edna po ito.Pinabababa na po kayo ng Mommy ninyo,kakain na daw po" ---wika ni Ate Edna niya.Ang kanilang kasambahay.

Huh...Dinner time na pero andun pa rin si Borj.Wala pa bang balak umuwi ng bahay ang lalaking iyon at pati ang mommy niya ay inaabala.

Saglit siyang nag-isip.Kung bababa siya,dapat hindi siya magpapaepekto kay Borj, kahit anong sabihin at gawin nito. Nagdesisyon siyang bumaba nga ng silid. Tiningnan niya muna ang sarili kung maayos ba siya, maganda ba siya. Nagwisik din siya ng pabango at bahagyang sinuklay ang mahaba niyang buhok saka tuluyan nang bumaba ng kanyang silid.

Narinig niya ang tawanan nina Borj at ng mommy niya sa may kusina.Bagama't wala siyang ideya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.Tahimik lang siyang dumulog sa mesa at umupo sa silyang nasa tabi ng mommy niya.

Napansin niyang lumiwanag ang mukha ni Borj nang makita siya.Umayos ito sa pagkakaupo at saglit ay tumahimik na.Dinedma lang niya ang lalaki.Pagkain ang dahilan kung bakit siya bumaba sa kwarto.Hindi siya bumaba para kay Borj.

"Hi Roni,goodevening" --nakangiti nitong bati sa kanya.

"Gabi na ah,bakit nandito ka pa?" ---supalpal agad niya sa lalaki.Sa halip na mapikon naman ito ay nakita pa niyang ngumiti ang lalaki at lalong lumuwang ang pagkakatawa.

" Eh,kasi si Teacher Elsie eh,ayaw pa akong pauwiin ang dami-daming kwento"--katwiran ni Borj na nakatawa pa rin.

" Mabuti nga at naisipan akong dalawin ng batang ito.Aba,sa dinami-dami ng naging eskwela ko si Borj lang ang nakaalala sakin"--paliwanag ng mommy niya.

Sinulyapan niya si Borj.Hindi niya alam kung anong paghanga sa lalaki ang nabubuhay sa kanyang puso.Bakit kaya ganun,gustong-gusto niyang magantihan si Borj dahil naiinis talaga siya dito.Pero sa tuwing magkakaroon naman siya ng pagkakataon na titigan ito,para namang lumalambot ang puso niya.

Aminin mo Roni,ang gwapo kasi ni Borj kaya nagkakaganyan ka.--tudyo ng utak niya.

Nagsimula na nga silang kumain.Madami pa ring kwento si Borj sa mommy niya.Ganundin naman ang mommy niya kay Borj.Tahimik lang naman siyang kumakain habang nakikinig sa yabangan ng dalawang kasalo niya .
Maya-maya ay narinig niyang nagsalita si Borj.Hindi niya inaasahan ang sasabihin o itatanong nito sa kanya.

"Miss Roni,may boyfriend ka ba?" --muntik na siyang masamid sa tanong na 'yun ng lalaki.Madami naman sanang pwedeng itanong bakit ang bagay na iyon pa.Uminom siya ng tubig saka mataray na namang sumagot.

"Ano naman sayo?" ---nakaismir namang sagot niya.

" Naku Borj,paano ba naman magkakaboyfriend 'yang si Roni,eh mas matapang pa sa manliligaw niya."--naiiling na tugon naman ng mommy niya.

"Hay naku mommy,wala akong panahon sa boyfriend -boyfriend na 'iyan.Sakit lang sa ulo ang mga lalaki." --at muli ay matalim na irap na naman ang ipinukol niya sa lalaki.

Hindi niya mabasa ang reaction ni Borj.Basta ipinagpatuloy lang nito ang pagkain at manaka-naka ay sumusulyap ito sa dalaga at kapagdaka ay susundan naman nito ng isang makahulugang ngiti.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Borj.Ni ha..Ni ho..Wala siyang sinabi sa lalaki.Hinayaan lamang niyang magpaalaman si Borj at ang mommy niya.Ang galing talagang kumuha ni Borj ng kalooban ng isang tao.Tingnan ninyo ha,ang principal niya,ang mga co teachers niya,pati ba naman ang mommy niya nahuli ang kalooban ng Borj na ito.

Saglit na napaisip si Roni saka bumulong sa sarili.

"Well,Tingnan natin kung kaya mo ako."-- at umangat na naman ang isang kilay niya.Nagbabadya na naman iyon ng isang plano.

Ano kaya ang nasa isip ni Roni???

Hello mga Sissy... Happy Reading.. 🙂

Feel free to leave your comments and votes.

Proud STEFCAM fan💖
#Dimakamoveon😂

💖Miss Roni💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon