Masayang-masaya si Roni sa araw na iyon.Napalitan ng kakaibang sigla at saya ang nalulungkot niyang puso.Pero,wala naman silang gaanong napag-usapan ng binata.Nahihiya naman kasi siya.Pero basta,happy pa din siya dahil kahit paano ay inihatid pa din siya ng binata.'Yun ang mahalaga para sa kanya ngayon.
Subalit,muli niyang naalala ang malungkot na katotohanan.Patapos na ang ginagawang proyekto nina Borj.Malapit na silang hindi magkita sa school compound nila.Kailangan talaga may gawin siya bago mahuli ang lahat .Kailangang malaman na ni Borj ang totoong nararamdaman niya.Kailangang masabi niya rito na mahal niya ang lalaki.
Mabilis niyang dinampot ang telepono at idinial ang phone number nina Jayjay.Importanteng makausap niya si Borj ngayon.
Samantala
KRINNNGGGGG!!!!"Hello goodevening!" --masiglang bati ng babae sa kabilang linya.
"Ahmmm..Hello po.Si Teacher Roni po ito" --nahihiyang bati niya.
"Yes teacher.Napatawag ka po.May problema po ba kay Jayjay?" --curious na tanong agad nito.
Saglit lang siyang natahimik.Pero mabilis din naman siyang nakabawi agad.
"Ahmm.Mrs. Velasquez,wala naman pong problema kay Jayjay.Ahmmmm..Pwede po ba kay Borj?"--nahihiya subalit sa wakas ay nasabi niya sa kausap.Pikit-mata na lang niyang tatanggapin kung anuman ang isipin ng babae ngayon.Basta ang mahalaga para sa kanya ngayon ay ang makausap niya si Borj.
"Naku, Teacher Roni, wala dito si Borj eh, lumabas kani-kanina lang. Bakit po?" --ungkat pa ng babae.Parang noon lang niya naisipang batukan ang sarili.Nakakahiya nga pala ang ginagawa niya.
"Ahmm.Sige po Mrs. Velasquez.May sasabihin lang po sana ako.Ahmm sige po.Thank you!" ---Mabilis na niyang tinapos ang usapan.Ayaw na niyang bigyan ng pagkakataong makapagtanong ang babae.
OmG gabi na bakit wala si Borj sa bahay.Saan kaya pumunta ang lalaki?Napakagat labi siya.Hindi naman niya alam ang cellphone number nito.Kahit kinuha ni Borj ang number niya noon,hindi naman siya tinawagan or itinext man lang.Madalas sa messenger ito nagpapahatid ng message.Nakakahiya naman kay Gng. Velasquez kung tatawagan niya ulit ito para lang hingin ang number ng binata.
Binuksan niya ang messenger.Hindi online si Borj.Haaaiii..Asan ka na ba kasi Borj?
Uy Roni, anong karapatan mong mag-alala,bakit girlfriend ka ba niya???
Kung mahal mo dapat aminin mo,wala nang paki-pakipot pa.
Lumalim na ang gabi hanggang sa wakas ay nakatulugan na rin ni Roni ang isiping 'yun.Natapos na nga ang proyektong new building nina Borj.Kahit madalas pumupunta dun ang binata,hindi naman sila nagkakaroon ng pagkakataong mag-usap,dahil may klase siya.Hindi na rin naman siya sinusundo at inihahatid ni Borj sa bahay dahil siguro nawalan na rin ito ng oras dahil sa pagiging abala sa dami ng trabaho.Nalumbay na talaga ang puso niya.Mukhang pinabayaan na yata siya ni Borj.Nanlamig na nga yata ng tuluyan ang binata,at masaklap pa,baka naipagpalit na siya sa iba.
Kung gaano kasakit ang puso niya ganundin kasakit ang puson niya.Haiiii..First day na naman ng menstruation niya at sumasabay na naman sa init ng ulo niya ang nakakainis na sitwasyon.
"Teacher Roni,tara tingnan natin yung new building.Pasyalan nga natin" --aya sa kanya ng kaibigan na si Teacher Lyka.Nakita kasi nito na sama-sama ang ibang guro patungo sa bagong gawang building.
"Eh,naku teacher,ayoko,ang sakit naman kasi ng puson ko"--daing niya dito.
" Sige na,Kahit dun ka lang sa bench,ako na lang yung pupunta sa building.Basta samahan mo lang ako,please teacher"--pagsusumamo ng kaibigan sa kanya.

BINABASA MO ANG
💖Miss Roni💖
RomanceHellow mga ka-Stef Cam.. 'Di pa rin ba kayo maka move-on katulad ko.? Try ninyo na lang basahin ang panibagong kwento ng pag-ibig nina Engineer Benjamin "Borj" Jimenez, at ang nakakakilig na tagpo nung makita niyang muli si Miss Roni.. #Proud StefCa...