Sirang-sira ang araw ni Roni kinaumagahan.Paano ba siya hindi maiirita?Sobrang sikip na nga sa pampasaherong dyip na sinasakyan niya,sobrang bagal pa ng pag-usad nito.Ngarag na ngarag na nga siya sa bahay kanina dahil tinanghali siya ng gising,hindi pa nakisama ang dyip na tanging pag-asa niya para makarating ng maaga sa school na pinagtuturuan niya.Inip na inip man siya sa biyahe, Sa wakas,nakarating din siya sa tapat ng paaralan.
Iritadong bumaba siya ng dyip.At mas nakadaragdag irita pa kung sino ang nabungaran niya pagbaba ng sasakyan.Naroon sa harapan ng paaralan ang sasakyan ni Borj Jimenez.Nakasandal ang lalaki sa gilid nito.Nakahalukipkip at tila may hinihintay.Buong tamis itong ngumiti nang makita siya.Nagkunwari siyang nagmamadaling papasok sa loob ng campus para hindi na niya mapag-ukulan pa ng panahon ang lalaking 'yun.
"Hi Miss Roni,Goodmorning!" ---nakangiting bati agad nito sa kanya.Deadma to the max lang ang ginawa niya.Kunwari,wala siyang narinig.
"I'm looking for the school principal,andiyan na kaya siya?" --tanong nito.
Inismiran niya ang lalaki.Ang lagay eh talagang nagpapapansin ang damuhong ito sa kanya. KSP talaga,bulong niya sa isip niya.Kulang sa Pansin.
Hinarap niya ang lalaki at saka mataray na nagsalita."Mr.Jimenez,nakita mo naman di ba!Kadarating ko lang.Palagay mo ba masasagot ko ang tanong mo" --mataray na sagot niya dito.
Nabakas niya sa mukha ni Borj ang labis na pagkagulat.Hindi nito marahil inakala na supalpal ang aabutin niyang sagot sa kanya.Eh,naisip na lang niya kung ginaganahan si Borj na kulitun siya,eh mas ginaganahan din siyang patulan ito.Kahit nagulat,sa halip na mapikon ay ngumiti pa si Borj sa naging sagot niya at muli na namang nagsalita habang nakatitig pa rin sa kanya.
"Wow,ganyan ba kayo mag treat ng bisita or ng guardians ng mga estudyante ninyo"--sarkastikong himig naman ng lalaki.
Mas lalong naiirita si Roni.Talagang tinitrip yata siya ng Borj na ito ah.Bago niya naisipang tuluyang pumasok sa loob ng campus,kailangang maka-isip siya ng sasabihin sa feeling gwapo na 'to.
"Mr.Jimenez, di ba matalino ka,so dapat alam mo 'yung logic!" --nang-iinsulto din niyang sagot sa lalaki.
Nakita niyang sa halip na mapikon si Borj sa sinabi niya.Nakita pa niyang tumawa pa ito at naiiling na inalis ang suot na sunglass niya.
"Alam mo Miss Roni,ang ganda-ganda mo kapag nagsusungit ka.Sige ka ,baka main-love na " naman" ako sa'yo niyan.Liligawan na kita"---nakangiti pa rin si Borj at diretsang nakatingin sa kanya.
Hindi na kinaya ni Roni na marinig pa ang iba pang sasabihin ng lalaki kaya nagdesisyon na lang siyang tuluyan ng pumasok sa loob ng school ground.Pero bago 'yun,tinapunan niya ng matalim na irap ang lalaki.Kung nakakasakit lang sana ang irap niya baka tumaob na si Borj.
Naiwang nangingiti lang si Borj at nanatiling naghintay na lamang sa kanyang kotse.Habang naglalakad patungo sa classroom si Roni,napapaisip siya .Ano ba kasi ang ibig sabihin ni Borj???Sabi niya baka ma-inlove na "naman" si Borj sa kanya.Ibig sabihin ba,dati na siyang inibig ng lalaki.Palihim ba siya nitong minahal?Kelan naman kaya?Noong elementary ba o nung highschool kaya???
(Haiiii..Ang dami-dami mong problema Roni.Pwede ba huwag ang Borj na yan ang problemahin mo.)--saway na naman ng utak niya.
Oo nga pala,kailangan pa nga niyang mag-imbestiga tungkol kay Jayjay at Borj.Mag-ama ba talaga ang dalawa??Bakit hindi sila magka apelyido.Nasa ganun siyang pag-iisip ng eksakto namang nakasalubong niya si Jayjay.
"Goodmorning po Teacher Roni" --nakangiting bati sa kanya ng cute na cute si Jayjay.
Ngumiti din siya sa bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/265399347-288-k6646.jpg)
BINABASA MO ANG
💖Miss Roni💖
RomanceHellow mga ka-Stef Cam.. 'Di pa rin ba kayo maka move-on katulad ko.? Try ninyo na lang basahin ang panibagong kwento ng pag-ibig nina Engineer Benjamin "Borj" Jimenez, at ang nakakakilig na tagpo nung makita niyang muli si Miss Roni.. #Proud StefCa...