Chapter 10

4 2 0
                                    

"Anthony, pwede bang huminto ka muna."

Tila ba isang anino niya lang ako na sumusunod sa kaniya pero hindi niya pinapansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad papalayo sa akin. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako nililingon. Talaga bang ayaw niya akong pansinin? For Pete sake!

Buti na lang nagkaroon ako ng pagkakataon na makuha ang atensyon niya, nang makakita ako ng walang laman na bote ng mineral sa daan ay agad ko sa kaniya itong binato. Hinarap niya ako ng may bakas ng inis sa mukha.

Lumapit siya sa akin at napa-atras ako ng bahagya, dahil nasa personal space ko na siya. Ngunit pinigilan niya agad ang amba kong pag-atras.

"What the fuck, Fluke? Talaga bang wala ka ng delikadesa, pati sa school nakikipaghalikan ka?!" Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"E ano naman ang pake mo kung ginagawa ko 'yon? Hindi naman kita boyfriend para pagbawalan mo ako sa mga bagay na ginagawa ko!" Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ko.

"Then date with me, Fluke." Umawang ang panga ko sa sinabi niya.

Imbis na inis ang maramdaman ko ay humagalpak ako sa tawa. "Seryoso? Ang gago na katulad mo, makikipag-date sa akin? You know what Anthony, lokohin mo na ang lasing huwag lang ang katulad ko na bading."  Lalo pa akong humalakhak.

Napasandal ako sa pader ng parking lot dito sa campus namin. Sumikip ang dibdib ko nang ikinulong niya ako sa mag-kabila niyang braso at inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Nagtama ang ilong namin at halos ilang  pulgada na lang ay maglalapat na ang mga labi namin. Pumikit ako at nagdasal na huwag naman sana niya ako na halikan.

"Then try me, love."

Nang iminulat ko na ang aking mga mata ay wala na siya sa harapan ko. Seryoso ba siya sa sinabi niya?

***////------

Habang naglalakad ako sa hallway ng campus namin ay nakatanggap ako ng message mula kay Anthony.

Anthony:

Tomorrow, 7pm.
Sunduin kita sa bahay mo.

Ako:

Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?

Anthony:

I have never been so serious, since I met you.

Parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko sa sinabi niya. Hindi nga lang ako sigurado kung bakit. Anyway it's just date, nothing more.

Since it's just a simple date, nagsuot lang ako ng Color block printed short sleeve Hawaii Beach oversize with black summer  Korean short and white shoes.

Saktong labas ko ay naghihintay na si Anthony nakaupo sa sofa ng bahay namin, nakikipag-kwentuhan kay Mommy. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kung anong iisipin sa amin ni Mommy. What if sinabi na ni Anthony na magde-date kami? What if---? Stop Fluke, don't think too much.

"Hi Mom, aalis na po kami ni Anthony." Ngumiti ako ng bahagya, pero may halo pa rin na kaba.

"Oh hijo, hindi mo sinabi sa akin na may pupuntahan pala kayo ni Anthony." Tanong ni Mommy.

"Ahm....ano kase.....kase...." Now, hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Buti na lang at sinalo ako ni Anthony.

"Friendly hangout lang po Tita, don't worry po iu-uwi ko po siya ng safe." Nangingiting sabi ni Anthony. Buti naman at alam mo responsibilidad mo.

"Ah sige hijo, mag-iingat kayo."

"Bye, Mom." Sabay beso.

"We'll do a typical things tonight, Love, kumain sa isang restaurant at manuod ng sine." Aniya ng itinigil niya ang kaniyang BMW Hybrid na sasakyan niya sa carpark ng mall. Tumango lang ako.

The Unusual Dagger of Cupid's Arrow (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon