Nagising na lang ako na walang reply galing kay Anthony. I think he is really mad at me. Chill lang Fluke just chill.
Agad kong hinanda ang susuotin kong uniform but I forgot that it is Saturday, walang pasok. I texted Macy to ask if she is free today para mag shopping. Napaka boring naman kasi tuwing weekend wala naman akong magawa.
Ako:
Macy, are you free today? Tara shopping.
Ilang minuto pa bago siya magreply.
Macy:
Sorry Fluke, may pupuntahan kasi kami ni Daddy ngayon e.
Pero may kilala ako na pwedeng sumama sayo.
Mauna ka na sa mall hintayin mo na lang siya.
Ako:
Sino?
Hinintay ko ang reply ni Macy pero hindi na siya sumagot.
Kalahating oras na ang nakalilipas pero hindi pa din dumadating yung sasama sa akin. Sino ba yun? Nakakaloka ito talagang si Macy laging incomplete information kapag nagbibigay.
Sa tagal ng paghihintay, hindi ko maiwasang mainip. Pero teka lang sino itong katabi ko sa bench? Bakit ang weird na naman ng nararamdaman ko? Kaya naman nang akmang lilingunin ko na ito, halos mapatalon ako dahil katabi ko na pala si Anthony.
"Anthony?" Untag ko.
Biglang bumungad ang nakabibinging katahimikan sa paligid namin. Hindi ko maiwasang tumingin sa kumikislap niyang mga mata. Kausapin ko na ba siya?
" Anthony about kaha-"
Pinutol niya ang pagsasalita ko. " Macy told me na wala kang kasama sa mall. Kaya sinabihan niya ako na samahan kita." He smiled out of nowhere.
Shit! I knew it, this is a set up. Talaga itong si Macy.
I sighed.
"Kung napipilitan ka lang na samahan ako mabuti pa mag-isa na lang akong magshoshopping. I don't need you." I gave him a serious face.
"Okay sinabi mo e. Bye Fluke." Like what the hell? Hindi niya talaga ako sasamahan? What an inconsiderate man.
I spat. " Anthony why are you being rude to me? Kaya ka ba ganyan dahil sa nangyari kahapon? Humihingi na nga ng sorry e pero pinutol mo lang ang pagsasalita ko kanina."
"Pero hindi ko pa naririnig ang sorry mo." He pouted.
Gosh! Everytime that he is doing that pa cute thing naiinis ako.
"Sorry."
"Hindi sincere ulitin mo." Aniya.
"Sorry Anthony about sa kahapon, dahil hindi ko naman akalain na ganun pala ang magiging dating ng mga binitawan kong salita sa iyo. Okay na po ba yun?"
" Hmm? Hindi pa sapat, now you owe me a date. He smirked like puppy. Now Fluke whether you like it or not makikipag date ka sa akin ngayon." Gosh that smile though.
Pagkatapos naming magshopping, hinila niya ako papunta sa sinehan.
"Anong gusto mong panuorin Fluke?"
"Ikaw bahala." Napahalukipkip ako.
Nang makita niyang wala ako sa mood huminga siya ng malalim bago magsalita.
"Hey Fluke."
"What?"
"Pwede bang sa'kin ka lang magfocus....iniisip mo na naman siguro yung pangit mong boyfriend." Humalakhak siya.
BINABASA MO ANG
The Unusual Dagger of Cupid's Arrow (ON-HOLD)
RomanceAng tanging hiling lang ni Fluke ay ang umibig at ibigin. Pero mukhang napasobra ata si Lord at dalawang tao ang ipinagkaloob sa kaniya. "Pero sa hindi inaasahan umibig ako sa taong kahit kailan hindi ko pinangarap." Mali ata ang napana ni Kupido, i...