Chapter 5

12 4 0
                                    

Halos hindi maalis ang kaba sa aking dibdib sa ginawa ko kanina kay Anthony. Huminga ako ng malalim. Bumalik ako sa classroom ng kalmado upang hindi na mag-aalala ang mga kaibigan ko.

"Okay ka lang ba Fluke?" Hinawakan ako sa balikat ni Drake at tiningnan niya ako sa aking mata.

Hindi ko alam kung anong tama na salita ang bibitawan ko kay Drake."Okay lang ako, huwag nyo akong alalahanin." Sabay ngiti ko lang sa kanila.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang Philosophy teacher namin, agad na bumalik si Drake sa kaniyang classroom.

"Okay ka lang ba talaga Fluke? Gusto mo ba magpa- excuse muna tayo kay sir para naman makahinga ka ng maluwag." Tanong sa akin ni Macy ng may pag-aalala.

"Don't worry Macy, I'm fine." I smiled.

I don't know what is wrong with me. I felt weird earlier when I started to look in his eyes. There is something about him I can feel it. Is he the guy that I saw in the window while I'm day dreaming?

Is it possible that the strange feeling I had for him when we collided with each other is the same as the person I saw at the window? I hope it's not him because I don't want to fall for someone as bad as him. I don't want to experience that thrill from him.

"Fluke si sir nasa harapan mo na." I heard Macy muttered.

Natauhan ako nang biglang makita ko si sir sa harapan ko na tinititigan ako ng seryoso.

"What are you doing Mr. Gomez?" Tumaas ang isang kilay ni sir.

"Ahmm s-sir." Hindi ko alam kung anong excuse ang sasabihin ko.

"If you are busy in something that is not related in this subject, well you are free to leave in this classroom. Hindi ko kailangan dito ng estudyanteng lutang!" Napasigaw si sir sa sobrang inis sa akin.

Lumabas ako ng classroom ng may kahihiyan. Lahat ng kaklase ko ay nakatuon ang atensyon sa akin imbis na sa subject ni sir.

Nang akmang papalabas na ako hindi ko namalayan na nakasandal si Anthony sa pader ng classroom namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Wala naman. Hinihintay ka lang." Sagot niya at siya ay napanguso.

"W-what?" Na-uutal kong sagot.

"Tara sa cafeteria." Sabay hawak niya sa kamay ko.

Hindi ko minsan maipinta ang mood ni Anthony. Trip lang ba niya na asarin ako o may iba pang dahilan? Tapos ngayon niyaya niya ako papuntang cafeteria habang hawak ang kamay ko? What the heck is wrong with him? I rolled my eyes out of nowhere.

"Bakit ba kailangan mong hawakan ang kamay ko?" inalis ko ang kamay ko sa kaniya.

"Gusto ko lang hawakan ang kamay mo, masama ba? "Tila ba may parang kumikiliti sa tiyan ko.

"Teka lang nga Anthony, bakit ba kailangan mo hawakan ang kamay ko? Marunong naman ako maglakad ng sarili ko lang."

"May sinabi ka ba na bitawan ko ang kamay mo? Ang sinabi mo lang naman bakit hawak ko ang kamay mo." Ngumiti siya sabay kindat niya na para bang nang-aasar siya. Bwiset talaga yung ngiti niya!

Napahalukipkip na lang ako sa kaniya at itinaas ko ang isa kong kilay. "Babalik na ako sa classroom. Bahala ka d'yan!"

"Nandito na tayo Fluke, so i-enjoy na lang natin ang pagkain."

"Teka lang, close ba tayo?" Naiinis kong tanong sa kaniya.

"Ang dami mong tanong tara na nga!" Sabay hila niya ulit sa kamay ko.

The Unusual Dagger of Cupid's Arrow (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon