"Teka lang nga Anthony." Inalis ko ang kamay ko sa mahigpit niyang pagka-kapit. " Ano na naman ba ang problema mo?" I glared at him. " You should've talked to me nicely kanina sa harap ng mga kaibigan ko."
Tinitigan niya lang ako with an amused grin.
"Really Anthony? If you have nothing to say babalik na ako sa mga kaibigan ko."
Nang akmang papaalis na ako ay hinila niya ako, dahilan ng pagkasandal ko sa kaniyang dibdib. Bumilis ang pintig ng puso ko hindi ko na naman alam ang dahilan. Sa tuwing may weird na nangyayari sa aming dalawa ni Anthony laging ganito ang reaksyon ng puso ko. What did you do to me Anthony?
Nagkatitigan kami. Grabe kapag tinitigan mo siya kulay hazzle nut ang mata niya tapos ang ilong niya ang tangos. May ibang lahi ba si Anthony? Sa sandaling pagtitig ko sa kaniyang mga labi ay umigting ng bigla ang kaniyang panga. Perpekto ang anggulo ng kanyang panga at ang magulo niyang buhok ay mas lalong nagpa-gwapo sa kaniya. I guess that's the truth hindi ko ito mapagkakaila. Ilang sandali pa bago siya nagsalita.
"Stop staring, Fluke." Aniya.
"Ang ganda pala ng kulay ng mata mo." Utas ko sabay ngiti sa kaniya.
Nakita kong pumula ang kaniyang pisngi at lumaglag ang kaniyang panga sa sinabi ko.
Tinulak niya ko ng marahan. "Sige na, balik ka na sa mga kaibigan mo."
Huminga ako ng malalim at unti-unti siyang tinalikuran. What am I doing? Mukhang lahat na lang 'ata ng kilos niya napapansin ko.
"Fluke, saan ka galing? Lumandi ka na naman ba?" Macy snapped her fingers in front on me.
I swallowed hard.
"Oo naman. I'm just thinking something..."
"Something?" MJ asked of nowhere.
"Si Drake ba?" Macy smirked.
Pinilig ko ang ulo ko at nag concentrate na lang ako sa pinag-uusapan nila. They are busy murmuring about their crushes.
Parang lumilipad ang utak ko ngayon. I don't know what to think. I really am confused about something. Halos mapatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita ang pangalan ni Drake sa screen. He left me a message.
Drake:
Hey, you free tomorrow? I was just wondering if you want to stop by later... Samgyup?
I sighed.
Ako:
You mean a date?
Nagtaas ako ng kilay dahil sa bilis ng reply niya.
Drake:
You could say that. Pwede ba?
I smirked. Nilingon ko sila Macy na ngayon ay nag-uusap pa rin at halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil nakita ko sa tabi nila si Anthony na seryosong nakatingin sa akin.
Umiwas agad ako ng tingin nang naramdaman ko na palapit siya sa akin. How did he come here so fast?
"Busy with something?" Sinungaw niya pa ang ulo niya sa cellphone ko kaya pabiro ko siyang siniko.
"Tumigil ka nga..."
"Bakit? Are you hiding something?" Nanliit pa ang mata niya. Natigilan ako sandali dahil sa nakita ko sa reaksyon niya. How can he be so handsome when he did that?
Damn it! He is really so handsome without even trying.
"W-well..." Right! Now, I'm stuttering.
"Magkikita na naman ba kayo ng pangit mong boyfriend?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Unusual Dagger of Cupid's Arrow (ON-HOLD)
RomanceAng tanging hiling lang ni Fluke ay ang umibig at ibigin. Pero mukhang napasobra ata si Lord at dalawang tao ang ipinagkaloob sa kaniya. "Pero sa hindi inaasahan umibig ako sa taong kahit kailan hindi ko pinangarap." Mali ata ang napana ni Kupido, i...