Naaalala ko pa noon ang hilig-hilig kong magbasa ng mga fictional story, halos iginugugol ko ang lahat ng oras ko sa pagbabasa ng libro.... Minsan nga nag-iimagine na isang leading lady ako sa kwento. Ngunit napansin ko lang na lahat ng nababasa ko sa pocket book, wattpad at sa web toon ay puro na lang babae at lalaki ang Bida at isa lang supporting actor ang mga beki.
" Fluke, okay ka lang ba?"
"Hay nako, nilipad na naman utak n'yan sa ibang dimension"
... Minsan naiisip ko what if lagyan natin ng twist?
"Goodmorning class!" Pagbati ng guro.
"Goodmorning Sir!"
What if beki naman ang maging bida sa kwento?
"Sis, si sir nand'yan na."
"Fluke, naka-shabu ka ba?! And'yan na si sir."
Hindi yung lagi na lang supporting character at isang katatawanan lang sa isang kwento para naman maiba ang isang ganap sa fiction, yung tipo na feel na feel mo na minamahal ka ng isang leading man.
"And'yan na si Sir, damn, you are doomed."
Agad naman bumalik sa reyalidad ang aking sistema ng hampasin ako ng kaibigan ko. Napatigil ako sa pag de-daydream ng mapansin kong halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin.
Habang nakatingin sa akin ang mga classmate ko. Napatingin ako sa bintana and then I saw a guy, I think senior high student din siya he look so descent, but there is something about him, pero hindi ko alam kung ano 'yon. Nang bahagyang umikot siya ay hindi ko inaasahan na magtatama ang paningin namin. Hindi rin nagtagal ng ilang segundo ang tingin nya ngunit ang kabog ng dibdib ko ay dumoble ang tibok. Napaiwas na lang din ako ng tingin dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. There's something wrong, but I can't explain it. God! Why am i feeling like this? This can't be real.
BINABASA MO ANG
The Unusual Dagger of Cupid's Arrow (ON-HOLD)
RomanceAng tanging hiling lang ni Fluke ay ang umibig at ibigin. Pero mukhang napasobra ata si Lord at dalawang tao ang ipinagkaloob sa kaniya. "Pero sa hindi inaasahan umibig ako sa taong kahit kailan hindi ko pinangarap." Mali ata ang napana ni Kupido, i...