Chapter 6

8 4 0
                                    

Hindi matanggal sa ngiti ni Drake ang saya. Siguro ito ang pinakamalaking ngiti na nakita ko sa kaniya. Samantalang itong mga kaibigan ko hindi mapigilang ipagkalat sa social media na nililigawan ako ni Drake.

Masyado pa kasing maaga para sumagot ng oo sa panililigaw niya, lalo na at ilang buwan pa lang kami magkakilala. Kaya naman heto ako ngayon napahalukipkip at tumitingin sa kawalan mula sa bintana ng BMW X7 na kotse ni Drake. Halos itinuon ko na lang ang sarili ko sa panunuod ng mga nadadaanan naming mga sasakyan at billboard sa EDSA.

"Fluke okay ka lang ba?" Nangingiting tanong ni Drake.

"Ano kasi...."

Napasinghap siya bago nagsalita. "Alam kong hindi ka pa handa na ligawan kita kaya nirerespeto ko yun, pero sana hayaan mo akong iparamdam sa'yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko Fluke." May kumirot sa aking puso dahil sa sinabi niya na para bang nagbitaw ako ng salita na walang laman.

"Sorry Drake, hindi pa ako sure kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Give me time to know you more before I give my answer."

"Naiintindihan ko." Ngumiti siya pero alam ko na may lungkot pa din na bumabakas sa kaniyang mukha.

Halos tahimik kaming dalawa sa buong biyahe. Samantalang sina Macy ay mukhang hindi nila narinig ang usapan namin kanina dahil sa sobrang abala nila sa tsismisan.

Naihatid na ni Drake si Macy, Razel at MJ. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan nang makarating na kami sa tapat ng bahay ko. I know there is something wrong about him.

Huminga ako ng malalim upang tanungin siya. "Drake okay lang ba tayo?"

Nakita kong kumuyom ang panga niya. "Damn it! I like you so much Fluke. Sorry for doing this." Halos hindi ko maigalaw ang mukha ko nang inilapit nya ang kanyang mukha sa akin, isang pulgada na lang ay maglalapat na ang aming mga labi.

"D-Drake?" Na-uutal kong tugon.

Mariin niya akong hinalikan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilan na gawin iyon. Ang tanging nagawa ko na lang ay ibalik ang halik niya. Naramdaman ko na lang na umiinit na ang katawan ko sa ginagawa niya at halos hindi ako makahinga. I want more, I want more of his kiss, but I know that this is not right. Kaya dahan-dahan ko siyang itinulak papalayo sa akin.

"Bye Drake." Hindi ko na nilingon siya at agad akong bumaba sa sasakyan niya.

I'm sorry Drake, pero hindi pa talaga ako handa. Kusang may pumipigil sa akin. Dahil ba ito sa misteryosong lalaki na natanaw ko sa bintana? Kaya hindi ko magawang masagot ang oo kay Drake? Siguro nga iyon ang dahilan.

***/----

The kissed is still lingering in to my mind. Ang bobo ko, bakit ba ibinalik ko sa kaniya ang halik. Iniisip ko pa lang ay kinakabahan na ako sa maaring mangyari bukas kapag nagkasalubong kami. Itinapon ko ang sarili ko sa kama at nagsimula ng maghisterya sa ilalim ng unan nang biglang tumunog ang phone ko. Halos mapatalon ako sa kama nang makita ko kung sino ang nag text.

Anthony:

Fluke sinong kasama mo kanina?

Nagulantang ako sa tanong niya.

Me:

Mga kaibigan ko.
Tsaka ano bang pake mo kung sino ang kasama ko!

Bago pa man ako magsend ng message ay biglang nag ring ang phone ko.

-Anthony's Calling-

"What do you want Anthony?" Diretso kong tanong sa kaniya.

"Wala naman na miss ko lang ang Cherry ko. Masama bang tumawag?" He is probably teasing me again. Nakakainis ka talaga itong mokong na 'to!

The Unusual Dagger of Cupid's Arrow (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon