Day Dream
"Hoy ate girl gising nag dadaydream ka nanaman jan."
Nagising ako sa katotohanan sa sigaw ng kaibigan kong si Meg, "ay pucha ka naman Meg ginulat mo naman ako ehh..."
"Hoy gaga ano nanaman iniisip mo siguro si Matteo nanaman ano."
"Ehh alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa", pagtataray ko sa kaibigan kong mahadera. Sana di na lang ito dumating para hanggang ngayon ay pinapapak ko pa sa isip ko ang ka gwapuhan ni Matteo kagabe , hays sana talaga sa aken nalang siya nag ka gusto para ako na lang ang lagi niyang kayakap ka holding hands, bata pa lang talaga kame ay hinihiling ko na sana si Matteo ang mapakasalan ko ang kaso nga lang ay may iba na itong mahal walang iba kong hindi ang babaeng pinaka famous dto sa UP Manila si Maxine Montereal sa bagay ano ba naman ang panama ko sa isang babaeng kagaya ni Maxine maganda, matangkad, maputi, matalino at higit sa lahat ay mayaman.
"Alam mo ba Meg ang gwapo ni Matt kagabe at isinayaw pa niya ako sabe niya sa akin,"hi Kaye your so beautiful my i have this dance" grabe ang kilig ko pero sympre di ko pinahalata nasira lang ang gabe ko kasi dumating si Max na agaw tuloy ang atensyon ni Matt".
"Ay akala ko happy ending kana ate girl hahaha".
"Akala ko din nga Meg pero ok lang atleast palagi ko pa din siyang nakakasama kahit kaibigan lang ang tingin niya sa aken".Habang sinasabe ko ang mga salitang yun, bigla nalang sumulpot sa likod ko si Matt.
"Sino ang kaibigan lang ang tingin sayo Kaye".
Sa gulat ko ay napa tayo ako...."A-ah ehh wala mali ka lang yata ng narinig Matt nga pala bat andito ka wala ka bang class ngayon."
"Ahh wala na, susunduin ko si Max mag lunch kame sa cafeteria".
Ohh palihim akong napa irap sa narining ko...ay ganon ba Matt sige na puntahan mo na si Max baka hinihintay kana rin non..."Meg tara na sa next class naten"..habang papalayo kame kay Matt parang pinipiga ang puso ko kaya kahit wala naman talaga kaming class ay pinilit ko si Meg na umalis.
"Ay halatang halata ka ate girl".
"Ok lang Meg ayaw ko naman makita niya na na aapektuhan ako sa relasyon nila ni Max", ayaw ko maging dahilan ng pag kasira ng pag kakaibigan namen ang nararamdaman ko habang nag lalakad kame ni Meg ay tumunog ang cp ko dahan dahan ko itong dinukot sa bulsa ng palada ko.
Matt: "Problem? alam mo naman na handa akong makinig kong ano man yan were friend wag mo kalimutan yan by the way sabay kana sa akin umuwi hatid na kita".
Me:"Wala naman ano ka ba may klase na kame kaya umalis agad kame baka malate major subject pa naman. Ok lang susunduin ako ni tatay mamaya next time nalang Matt thanks",
kahit ang totoo ay di naman ako susunduin ni tatay gusto ko lang muna na umiwas sa kanya natatakot ako na baka mapa amin niya ako sa totoong dahilan kong bakit ko siya iniiwasan...what a life!Matt: "ok ingat Kaye...see you tommorow".
Habang naglalakad kame papaunta na sa next class ay naka salubong namen ang aking masugid na manliligaw si Kennard Aragon hay naku ini iwasan ko rin kasi ito dahil kahit binasted ko na ay tuloy parin sa panliligaw sa totoo lang ay na aalibadbadan ako sa tuwing kasama ko ito....di ko naman mapapagkailang gwapo ito ngunit saksakan naman ng kayabangan sa katawan daig pa ang may bagyo sa sobrang hangin ng isang ito at isa pa may iba na ko mahal ang problema nga lang ay di naman ako nito gusto..
BINABASA MO ANG
The Run Away Bride
RomanceKaye Mortel, isang babaeng hinangad na makasal sa lalaking mahal niya ngunit nag bago ang kanyang hangarin nang malaman niya ang lihim na tinatago ng kanyang minamahal na si Matteo Santiago. Ang kanyang pagmamahal ay napalitan ng galit at pag kamuhi...