Chapter 6

7 2 0
                                    

Final Decision

Nagising ako sa malakas na katok sa labas ng kwarto ko. Mumukat mukat akong bumangon para buksan ang pinto.Nakatulog na pala ako sa sobrang pag iyak kagabe.

Bumungad sa akin ang nanay ko sa labas ng kwarto ko.

"Anak pinapagising ka ng tatay mo may gusto dw siyang itanong sayo."

Kumumot ang noo ko sinabe ni nanay napa isip ako kong ano ang gustong itanong ni tatay nang biglang pumasok sa isip ko ang itinawag ko kay tita charie kagabe.

"Sige po Nay susunod na po ako sa baba."

"Sige anak"

Nakangiting tumalikod si Nanay sa akin, ako naman ay nag sara ng pinto at pumasok sa cr para makapaligo na.

Hindi ko pa naiisara ang pinto ng banyo nang umalingawngaw ang malakas na tunog ng phone.

Lumabas ako at kinuha ito sa side table ko pag angat ko ay nakita ko ang pangalan ni tita matilda (mommy ni Matt).

Nag dadalawang isip ako kong sasagutin ko ba ito o hindi pero nakita ko nalang ang sarili ko na sinagot ito at nilagay sa tenga ko.

"Hello po Tita"paunang sagot ko dito.

"I'm glad you answer my call hija tumawag ako kasi nag aalala ako sayo sinabe sa akin ni Matt ang nang yare sa inyo kagabe."

Hindi agad ako nakapag salita hindi ko alam ang sasabihin ko kay Tita Matilda kahit na alam naman nito ang tunay ko nararamdaman sa anak niya.

"Hija are you okay?"

Nagising ako sa katotohanan nang biglang nagtanong si Tita Matilda
"yes po tita ok lang po ako salamat po sa pag tawag"

"Kaye I'm sorry nang dahil kay Matt nahihirapan ka."

"No tita wala pong kasalan si Matt ako po ang may kasalanan kong bakit ako nasasaktan ngayon."

"Kaye anak alam mong hindi ibang tao ang turing ko sayo kaya nga nasasaktan din ako kasi nasasaktan ka."

Unti unti kong naramdam ang luhang tumutulo sa pisngi ko pero mabilis ko itong pinahid at tumighim.

"Tita wag kana pong mag alala sa akin magiging ok din po ako hindi pa po ngayon pero dadating po ang panahon at makakalimot din po ako."

Rinig na rinig ko ang pag hinga ng malalim ni tita tanda na nahihirapan din ito.

"Ok hija basta tawagan mo ko pag may problema ka pag gusto mo nang makaka usap andito lang ako. Bye"

"Bye po tita salamat" at ibinababa ko ang phone ko sa side table ng kama ko muli akong umupo sa kama at napahawak sa dibdib ko.

"Kaya ko to hindi ang nararamdaman ko kay Matt ang sisira sa akin" paulit ulit kong sinasabe sa sarili ko.

Huminga ako ng paulit ulit at muling nag tungo sa cr. Pag katapos ko maligo ay bumaba na ko at dumiritso sa dining area.

"Good morning po Tay, Nay sabay hila ko nang upuan sa tapat ni Nanay, sasandok na sana ako ng pagkain nang nang salita si Tatay.

"Anak tinawagan ako ng Tita Charie mo at sinabe niya sa akin na tumawag ka sa kanya."

The Run Away BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon