Chapter 3

13 2 0
                                    

Childhood

"Kayeéee"

Nagising nanaman ako sa sa malakas na sigaw ng Nanay ko, hay 6 am  palang masyado pang ma aga para masigawan ako.

Mumukat mukat akong bumangon at binuksan ang pinto, "Nay ma aga pa naman po bakit sumisigaw kana agad" pag mamaktol ko sa Nanay.

"Anak asa baba kasi si Matteo may lakad pala kayo bat di ka bumangon ng ma aga nakakahiya sa tao,hala bilisan mo at mag ayos kana ng maka alis na kayo".

Bilis bilis kong sinarado ang pinto ng kwarto ko at nag madali sa paghanap ng damit na susuotin ko, naku bakit sobrang aga naman yata ako sunduin ni Matt expected ko is 8:00 am or 9:00 am pa ko nito susunduin, nag maka hanap ako ng susuotin ay bilis bilis akong pumasok sa cr para maka ligo na.

Ligong uwak nlang ang ginawa ko sa pagmamadali dahil nakakahiya naman kong mag hihintay ito ng matagal at sigurado akong malalagot ako kay nanay pag nag patumpik tumpik pa ko.

25 minuto at natapos ako sa paghahanda, pababa na ko sa hagdan ng makita ko si Matt sa sala naka upo sa sofa, tumayo ito nang nakita ako na pababa na nang hagdan at ito nanaman ang puso kong hindi mag kamayaw sa lakas nang tibok bago pa ako maka apak sa huling baitang ng hagdan ay nakalapit na ito sa akin.

"Good morning Kaye naabala ko ba ang tulog mo sabay tawa".

Napapahiya naman akong ngumiti, "hindi kanina pa kong gising di lang ako nababa kasi ma aga pa naman...pagpapalusot ko pa, nga pala bakit ang aga mo naman yata akong sunduin."

"Ahh medyo nakakahiya nga kaso kinukulit ako ni mom na agahan ko raw ang pag sundo  sayo para mahaba ang bonding time ninyong dalawa".

Napangiti nalang ako sa sinabe ni Matt miss ko na rin kasi si tita Matilda medyo matagal na din ang huli naming bonding kaya siguro masyado akong na miss.."ay sige breakfast muna tayo bago tayo umalis" at sabay kaming nag tungo sa dinning area.

"Ohh Kaye paupuin mo na si Matt nang makapag almusal na kayo at ng maka lakad na kayo".

"Thank you tita".

Saad naman ni Matt sabay upo sa tabi ko madali naming natapos ang agahan.."Nay aalis na po kame ni Matt."

"Tita aalis na po kame thank you po ulit sa breakfast"

"Sige ingat kayo sa bayhe".

Sagot naman ni Nanay wala si Tatay umalis daw ng ma aga dahil may ka meeting itong importante.

Pagkalabas namen sa bahay ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse ni Matt para makasakay na nagulat nalang ako nang mag dampi ang aming mga kamay, nagkasabay kame sa pag hawak sa pinto ng kotse at ayan nanaman ang puso ko sobrang bilis nanaman ng tibok hahihiya kong binitawan ang pinto ng kotse at ngumiti nalang dito.

"S-Sorry Matt"sabay ngiti feeling ko parang kamatis na nag mukha ko kaya naman pumasok na agad ako sa sasakyan , mabilis namang naka ikot si Matt papaunta ng driver seat.

"Are you ok parang namumula ang mukha mo masama ba  paki ramdam mo"?

Agad naman akong umiling at sumagot. "Nope medyo mainit lang Matt "sabay paypay ko sa mukha ko, agad naman nilakasan ni Matt ang aircon hay ano ba kaye mahahalata ka pag palage kang ganyan.

The Run Away BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon