I Love You To
"Thank you Kaye sisiguraduhin ko na hindi mo ito pag sisisihan."
"I love you sweetie laro na tayo ng ML"
Mabilis naman akong sumagot kay Matt at bahagyang natatawa."I love you too sige game."
Dinampot ko agad ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa para buksan na ang ML ko si Matt naman ay humiga sa kama ko.
Nanatili naman akong naka upo sa tabi niya nasa kalaghatian na kami ng laro ng bumukas ang pinto di na kami nag abala na tignan kong sino dahil baka alin man sa mga ina namin yun.
At hindi nga kami nag kamali si Tita Matilda, sinabihan kami na mag ready na para sa hapunan.
"Kaye and Matt mag ready na kayo para sa hapunan 15minute dapat nakalabas na kayo para sabay sabay na tayo.
Ako na mismo ang sumagot dahil parang walang balak si Matt na sagutin ang Mommy niya.
"Yes Tita susunod po kami" nakangiti akong tumingin dito at saka ulit bumalik sa cellphone.
Pero masyadong tumagal ang game kaya naman nalate kami sa oras na binigay ni Tita Matilda.
Sabay kaming lumabas ng kwartong inu ukupahan namin sabay akbayan niya habang patungo kami sa resto.
Nang makarating kami sa resto ay malapit na silang matapos kaka upo ko pa lamang pero masamang tingin na ang ipinupukol ni Nanay sa akin tanda na naiinis ito sa akin.
Habang si Tatay ay patuloy lang sa pagkain sina Tito Theo at Tita Matilda ay nakatingin kay Matt.
Nang maka upo kaming pareho ay saka nag salita si Tito Theo.
"Matteo masyado yata kayong nag eenjoy sa mga Mobile Games na yan, wala namang masama sa paglalaro pero di na ninyo yan pweding gawin pag kayo na ang nagpatakbo ng kompanya."
Ibinaba ni Matt ang hawak nitong baso bago tumingin kay Tito at saka sumagot.
"Dad libangan lang po namin ni Kaye ang paglalaro.
Ipinagpatuloy lang namin ang pagkain habang sila ay nag kukwentuhan na lang.
Si Matt naman ay lumapit sa akin at bumulong.
"Ok lang yan Kaye wag mo na pansinin ang sinabe ni Dad."
Ngumiti ako bilang sagot sa sinabe niya sa akin tawanan at kwetuhan ang namayani sa amin.
Ang mga magulang naman namin ay nagsabe na magpapahinga sila nag ma aga at bukas nalang mag eenjoy.
Kame naman ay nag pa alam sa mga magulang namin na mag suswimming sa pool malapit sa kwarto namin.
Pumayag naman ang mga ito at sinabihan na wag masyadong mag pagod para maka bonding din nila kame bukas.
Sabay sabay kaming nagtungo sa aming mga kwarto si Nanay ay sinabihan ako na wag mag pagod at wag magpupuyat sa pag lalaro.
Nauna na si Matt sa kwarto namin para mag handa sa pag suswimming.
Papasok na sana ako sa kwarto nang tawagin ako ni Tita Matilda naka ngiti ko itong hinarap.
BINABASA MO ANG
The Run Away Bride
RomanceKaye Mortel, isang babaeng hinangad na makasal sa lalaking mahal niya ngunit nag bago ang kanyang hangarin nang malaman niya ang lihim na tinatago ng kanyang minamahal na si Matteo Santiago. Ang kanyang pagmamahal ay napalitan ng galit at pag kamuhi...