LQ
Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko ito kasi ang araw nang pag aayos ko ng requirements sa pag alis ko.
Mumukat mukat akong bumangon at naghanda para sa lakad namin ngayon ni Tatay. Masakit pa din ang ulo ko kahit mahaba na ang naipahinga ko.
Pagkatapos kong maghanda ay mabilis akong bumaba para makakain na at maka alis kami ng maaga para ma aga din kaming matapos.
Pag ka baba ko ay naririnig ko na ang boses ni Manang at Nanay marahil ay nag hahanda na ang mga ito para sa agahan.
Pagpasok ko sa kusina ay nagulat ako dahil hindi lang sila Nanay at Manang ang tao doon.Andito si Tita Matilda naka ngiti sa akin habang papasok ako ng kusina.
"Good morning hija" paunang bati ni tita matilda sa akin.
Ngumiti ako dito bago sumagot "good morning din po tita" lumapit na ko sa lamesa at binati din sina Nanay bago ako naupo.
"Anak dinaanan ako ng tita matilda mo sabay na kami pumuta sa office."
Nakatingin sa akin si tita matilda at nakikita ko sa mga mata nito ang kagustuhang magtanong ngunit nanatili lang itong tahimik.
Tumungo ako at pumikit bago magsalita "thank you Tita Matilda sa pag daan dito" nakangiti ako habang sinasabe ito kay tita.
Matiwasay na natapos ang agahan namin dito din nag agahan si Tita Matilda, magpapa alam na sana ako para kunin ang gamit ko sa taas nang nagsalita si Nanay.
"Anak wait pwede bang samahan mo muna si Tita Matilda mo sa sala mag reready lang ako saglit naliligo pa naman ang tatay mo."
"Matilda si Kaye na muna ang bahala sayo mabilis lang ako huh."
Hindi ka agad ako sumagot dahil sa totoo lang ay nahihiya ako kay tita matilda dahil nga sa nangyare sa amin ni Matt.
"A-ah sige po Nay ako na po bahala kay tita"ngumiti ako kay Tita Matilda at sinamahan ito papunta sa sala.
Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko, tumingin naman ako kay Tita Matilda at ngumiti "Tita I'm perfectly fine wag kana po mag alala sa akin."
"Nasabi na sa akin ng Nanay mo na aalis ka para mag aral abroad. Nag punta ako dito para makita kita bago ka umalis bakit di mo sinabe sa akin na aalis ka pala?"
Nasasaktan ako lalo dahil nakikita ko si Tita Matilda na nag aalala sa akin at alam kong nasasaktan din ito. Natatakot kasi ako na baka pag sinabe ko kay tita na aalis ako ay sabihin nito kay Matt.
Ayoko malaman ni Matt kong saan ako pupunta dahil natatakot ako na baka puntahan ako nito at paki usapan nanaman na ayusin ang nasira naming pagkakaibigan.
Hindi ko pa kayang makipag ayos kay Matt dahil mahal ko pa siya siguro ay magiging ma ayos din kami pag naka limot ako.
"Yes po tita aalis ako para doon mag aral kay tita charie po ako magstay matagal na niya itong ino offer sa akin at ngayon lang po ako nakapag desisyon."
"Im so sorry po tita kong di ko sinabe sa inyo natatakot po kasi ako na baka pag nalaman ninyo ay sabihin ninyo kay Matt na aalis ako."
Hindi agad nagsalita si tita matilda at alam ko na ang ini isip niya alam ni tita kong bakit ako nag desisyong umalis.
BINABASA MO ANG
The Run Away Bride
RomanceKaye Mortel, isang babaeng hinangad na makasal sa lalaking mahal niya ngunit nag bago ang kanyang hangarin nang malaman niya ang lihim na tinatago ng kanyang minamahal na si Matteo Santiago. Ang kanyang pagmamahal ay napalitan ng galit at pag kamuhi...