Chapter 9

4 2 0
                                    

Change Plan

"Mom, Dad, Tito ang Tita  gusto ko lang pong malaman ninyo na nililigawan ko si Kaye."

Paulit ulit pa ding umuukil yan sa isipan ko hanggang matapos na kami sa pagkain.

Wala pa din akong masabe mas pinili kong tumahimik nalang muna sa ngayon.

Hanggang sa magyaya na ang mga  magulang namin para nga magpunta na sa next destination.

Tahimik akong tumayo para makalabas na din nang bigla akong akbayan ni Matt.

Gusto kong tanggalin ang braso niya pero parang gusto ko naman ang ginagawa niya sa akin.

Sabay kaming naglakad palabas ng resto pero ni isang salita ay wala pa din akong masabe.

Pagkasakay namin ng sasakyan ay si Matt na mismo ang unang nagsalita para kausapin ako.

"Kaye may problema ba? Galit ka ba sa sinabe ko kanina? Please tell me?"

Tumingin ako kay Matt at mabilis akong sumagot dito. "Hindi ako galit pero di pa naman ako pumapayag na ligawan mo ko."

"By the way aalis na nga pala ako doon na ko mag aaral sa US and next sem na ko lilipat."

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Matt, ako naman ay nagulat din at sinabe ko sa kanya ang mga plano ko.

Nag iwas ako ng tingin kay Matt pero dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ko para humarap sa kanya.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ako tumingin kay Matt. Kitang kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

"Bakit ka aalis dahil ba sa akin? Dahil sa mga sinabe ko sayo?"

Mabilis ko namang inalis ang kamay ni Matt sa aking pisngi bago sumagot sa tanong niya.

"No Matt matagal ko na itong pinag iisipan mas ok kasi kong doon ako makakapag tapos."

"Kaye ok naman ang pag aaral mo sa UP ahh at di mo na kailangang mag aral abroad kasi sa SGC ka rin naman mag tatrabaho."

Kunot noo ko siyang tiningnan oo malaki at isa sa matagupay na kumpanya ang SGC pero di ko matatanggap na kaya lang ako makakapag trabaho dito ay dahil kilala ko ang may ari.

Ayokong isipan nang iba na ginamit ko lang ang impluwensya at pagkakaibigan ng magulang namin kaya ako naka pasok sa SGC.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya ng deretso "Matt ayong gamitin ang impluwensya o ang pagiging magkaibigan ng mga magulang natin para makapag trabaho sa SGC."

"May nakalaan na talaga sayong posisyon sa SGC si Mom at Dad ang nagsabe noon sa akin kaya di mo na kailangan pang mag abroad to have a better job."

"Gusto ko kasi pag hihirapan ko ang makukuha kong trabaho. Ikaw pwede  kang pumasok sa SGC ng may posisyon agad dahil magulang mo ang may ari."

Totoo naman magkaiba kami ng sitwasyon ni Matt at tsaka gusto kong ipakita sa mga magulang ko na pinaghirapan ko ang makukuha kong trabaho.

"Kaye please wag kana lang umalis."

Kitang kita ko ang pangungusap sa kanyang mga mata medyo ngdadalawang isip na din ako dahil nga sa mga sinabe ni Matt kanina.

The Run Away BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon