CHAPTER 30
“Ma’am, saan ba dito ang mas gusto niyong suotin?” Eurika or Yuri showed me two different outfit.
“Ahhmm.” Humarap ako sa kaniya, nakaupo parin sa vanity chair.
I held my cheeks using my hands while choosing from the two clothes she’s holding. The conference will start in few hours from now. Dadating ang ilang kilalang media para mag cover sa event. May inihanda rin silang tanong para sa amin. Pinaunlakan sila ng mga Del-cojuanco makapasok sa resort kahit hindi pa ito nagbubukas para sa lahat.
“Mas maganda ata ito Ma’am!” Nilapit niya sa akin ang hawak ng kaliwa niyang kamay.
“Okay. Sige.” Ngumiti siya sa akin at tumango. “Nagtitiwala ako sa’yo.” Biro ko pa na ikinatawa niya. Humarap na ulit ako sa salamin at inayusan ang sarili. Abala naman si Yuri sa pag-aayos ng damit at mga kailangan ko. “How’s the tour Yuri? Did you enjoy it?” Tanong ko habang pinapatuyo ang buhok.
I saw her preparing my shoes in the mirrors view. Yuri is almost my age, just months younger. She’s very simple and has a beautiful face too. Umupo siya sa dulo ng kama, nilalagay sa maliit kong bag ang panyo at pabango ko.
“Masaya Ma’am! Naku, pasimple pang nagtutulakan ‘yong dalawa kapag nakatalikod si Sir Sirvance! Kilig na kilig.” Naiiling niyang sagot.
Sunod kong sinuot ang napili kong earrings. “How about you? Hindi ka napopogian?”
Mahinang natawa si Yuri. “May anak na ako Ma’am! Hindi na ‘yan ang trip ko. Kotang-kota na ako sa mga lalaki.” Napangiwi siya bigla.
Natawa nalang rin ako sa sagot niya. Hindi lang basta personal assistant ang tingin ko kay Yuri. She’s like the sister I never had. Just like Venisse and Ethereal. I’ll forever thank God that he has given me a chance to be friends with them.
Yuri help me curl my hair while I’m doing my own make-up. Napagkwentuhan pa namin ang naging tour nila kahapon at kaninang umaga, kung paano siya natatawa tuwing kinikilig ang mga kasama niya kay Yrixx. Kinamusta ko rin ang lagay ng kaniyang anak. Minimal make-up lang ang nilagay ko dahil ito
ang natripan ko.I'll wear a black detailed coat. Under that is a black sweetheart top and high waist shorts.
Paglabas ko ng kwarto, may nakaabang ng dalawang guard na aalalay sa akin papasok ng auditorium kung saan gaganapin ang conference.
“Good afternoon po.” Inunahan ko ang dalawa ng pag bati. Magalang nila itong sinuklian.
I held Yuri’s wrist in fear that someone might hurt her from the crowd. Palaging gano’n tuwing isasama ko siya sa maraming tao. I always make sure that she’s safe like me.
May iilan ng piling media ang nakaabang sa amin sa labas palang ng pinto. Ngumiti ako at kumaway sa sino mang tumawag sa akin. Wala namang naging bayolente sa kanila kaya naging kampante ako na pakawalan si Yuri.
“Miss Aly!”
“Miss Aly dito po!”
“Good Afternoon Miss Aly!”
“Miss Aly, pwede pong papicture.”
Halos sabay kaming dumating ni Venisse. Si Ether naman ay nasa loob na at naka-upo sa inihandang pwesto sa kaniya. The long table covered with white tablecloth was already there. May nakalagay naring microphones, water at snacks para sa bawat isa sa amin. Nakapwesto na rin ang mga cameras at ang piling media na napaunlakang makapagtanong. Sa gitna ng mesa, nakaupo sina Travis at Tyrell, ang CEO ng DCGC. Nasa kabilang table, pa-L sa amin ang pwesto nila Luan, Yrixx at Khalil.
![](https://img.wattpad.com/cover/258028543-288-k164616.jpg)
BINABASA MO ANG
The Taste of Potion ✔️
RomanceHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #1 Lavender's Grandmother is famous as a Love Potion Maker. One day, a rich matrona costumer ask for her grandmother's power, making the strongest potion of all. But the conflict is, the most important ingridient can't b...