Chapter 42

741 8 6
                                    

Chapter 42

Nakatanaw ako sa Malayo. Minsan nakakatawa ang tadhana. Dadalhin ka sa lugar na hindi mo inaasahan... Ibabalik ka sa lugar na gusto mong takasan. Sino ba talaga ang gumagawa ng ating tadhana? Tayo ba? Kung tayo, bakit minsan, ang mga bagay na di natin sinasang-ayunan ang ating nararanasan?

O baka ayaw lang natin aminin kung ano talaga ang gusto natin? O baka hindi lang natin alam paano alamin ang ayaw sa gusto natin?

Umuulan sa labas. Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Hinawi ko ang kurtina para panoorin ang pag patak ng ulan. The sky is dark but the Post lights guides illuminate the field.

Hindi ako makatulog kaya naisipan kong pumunta ng kusina para uminom ng gatas. I was about to go directly in the kitchen when I noticed Travis, silently having his coffee and deep thoughts. Bukas ang laptop niya pero hindi niya naman ginagamit. Sumandal ako sa pader at humalukipkip para pagmasdan siya. 

Mabagal na Sumulyap siya sa kinatatayuan ko. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo.

"Hindi ako makatulog, T." Sumbong ko. Umakbay siya sa akin at Sumandal naman ako sa kanya.

"We can watch movie if you want." Sabi niya sabay sarado ng laptop.

Tumingala ako. Suot niya ang kanyang reading glass. "Bakit hindi ka pa tulog? Akala ko, isang linggo kang nakaleave? Tungkol sa trabaho ang ginagawa mo?" Usisa ko sa kanya. Umiling siya at muling binuksan ang Laptop para sa akin.

"Balak kong iparenovate ang bahay. Tyrell sent me the floor plan and 3d Design. Tinitignan ko lang."

"Really?" Tumango siya at ipinakita sa akin ang disenyo. 

"Six rooms and two Masters. One is For Us and the other one is for Melissa and Randy." Lihim akong napangiti. Talagang Pamilya na ang turing niya kanila Ate. "What do you think?"

"Ako ba talaga ang isasama mo sa Master's Bedroom?" Biro ko.

 "Yes, I'm informing you this early.." Nakangiti niyang sagot bago ako bigyan ng halik sa noo. 

Nilipat niya ang pointer para ipakita sa akin ang ilan pang bahagi ng plano. Mayroong recreational room at meron ding nursery room. May sariling kwarto si Avarielle at ang magiging anak raw namin.

Pagkatapos niyang ipakita sa akin ang design, namili na ako ng papanoorin. Kumuha naman siya ng baso ng gatas para sa akin. I chose the movie Serendipity. Umupo siya sa dulo ng sofa, humiga naman ako sa legs niya habang yakap ang isang unan. 

: Everything's predestined?
We don't have any choice at all?

: No, I think we make our own decisions. I just think that fate sends us little signs, and it's how we read the signs that determines whether we're happy or not.

: Little signals. Fortunate accidents.
Lucky discoveries…

: ...I honestly think it's dangerous to use the term 'soulmate'. It implies there's some magical element that we have no control over, like fate or destiny. I think holding onto beliefs like that stops us doing the real work.

Unti-unting bumigat ang mga mata ko dahil sa kamay ni Travis na marahang sumusuklay sa buhok ko. Hinayaan kong ipikit ang mga mata ko. Isang halik sa noo. Ito ang huli kong naalala bago tuluyang makatulog.

Nagising ako ng marinig ang kalampag ng mga pinggan. Mabagal kong minulat ang mga mata ko, naramdaman ko agad ang sakit sa batok. Kinusot ko ang aking mga mata. I realized that I slept here in the living room! Nakapatay na ang TV. Tumingala ako para masiguro ang nasa isip ko. I guessed it right. Travis is sleeping like an angel. Pareho kaming dinatnan ng Antok dito sa salas.

The Taste of Potion ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon