This story has a special part in my heart, just like my other stories. Salamat sa pagbasa at pag sama hanggang sa huling pahina.
Hindi ko alam kung kailan ako makakapag-edit pero salamat sa lahat ng magbabasa ng storya nila Ava at Travis. Pasensya na sa mga magulong salita.
Gusto ko rin mag pasalamat sa mga taong nakilala ko habang sinusulat ko ito. Salamat sa pagbibigay sa akin ng Inspirasyon na masulat itong huling pahina. Salamat sa supporta mo hanggang dulo. Habang buhay kong papasalamatan ang pagsulat ko nito dahil ito ang naging daan para maging kaibigan kita dito. _rosesareryd
Ito ang huling pahina ng kwento ngunit hindi dito nagtatapos ang pagmamahalan nila Travis at Ava.
FINAL CHAPTER
Chapter 47
"Do you want to go up the hill? We can picnic there." Travis suggested while we're having our Breakfast. Napatingin ako kay Ate Melissa ng marinig ang paghagikhik niya.
"That's great! Kasama natin sila Ate at Avarielle--."
"Naku, Ava. Pasensya ka na. May Pasok ang anak ko. Ihahatid ko pa sa school!" Nakangiti na sagot ni Ate Melissa. Napakurap ako saglit. Ang alam ko bakasyon ngayon at walang klase?
"Kung ganon, pag-uwi ni Avarielle, pwede naman."
Humalakhak si Ate. "Baka madis-oras na kami ng uwi! May bibilhin pa kasi kami. Ano.... school supplies!"
Tumingin ako kay Avarielle, ngumiti siya at tumango. Hindi naman siguro magsisinungaling ang Bata?
"Bakit Ava, hindi ba ayos sa'yo kung kayo lang muna ni Sir T ang pupunta doon?"
"S-syempre ayos lang po Ate."
Yumuko ako at tinusok ang ham. Naalala ko pa ang ginawa namin nang huli kaming nag punta doon. Tumikhim ako at napa-inom ng tubig. We shared our first night there, at Callista's House. Doon ko inamin noon ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Pasensya na at hindi muna kami makakasama ngayon"
"Let's bring Bruno and Boomer with us." Pumunta ang tingin ko kay Travis. Malambing na ngiti ang binigay niya.
"Yown! Complete Family. Hehe. " Banat ni Ate Melissa. Nagkatinginan kami ulit ni Travis at binigyan ng tipid na ngiti ang isat-isa.
After lunch, pumunta na kami sa burol. Kasama namin sina Boomer at Boston. Hinayaan namin silang tumakbo sa malawak na lupain. Inayos ko ang mga dinala namin na pagkain. Kinukuha naman ni Travis ang ilan pa naming dala galing sa likuran ng sasakyan.
Umupo siya sa tabi ko, ngumiti ako sa kanya at sabay naming pinanood ang habulan ng dalawang aso. Naglalagay na ng wine si Travis sa baso ng bumalik ang atensyon ko sa kanya.
"Thank you." Sabi ko ng ibigay niya sa akin ang isang baso. Sa baba, may mga batang naglalaro.
Palagi ko silang nakikita mula sa labas. Panatag naman ang loob ng mga magulang nila dahil marami ang bantay nitong lugar. Isama pa ang mataas na pader ng buong paligid.
"My Nieces and Nephews, they're adorable." Sabi niya, napansin marahil na sa kanila ako nakatingin.
"Ikaw ba, hindi mo naisip magkaroon ng anak? I mean, isa ka sa mga unang Apo ni Don Frexon."
![](https://img.wattpad.com/cover/258028543-288-k164616.jpg)
BINABASA MO ANG
The Taste of Potion ✔️
RomantizmHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #1 Lavender's Grandmother is famous as a Love Potion Maker. One day, a rich matrona costumer ask for her grandmother's power, making the strongest potion of all. But the conflict is, the most important ingridient can't b...