CHAPTER 19
Mahigpit ang kapit ko sa braso ni Travis. Kahit anong ibulong niya sa akin habang papasok kami sa engrandeng kasiyahan, hindi parin nawala ang kaba ko. Ganito na siguro talaga ako, hindi sanay sa maraming tao dahil namuhay lang kasama ni Lola.
Hinanap agad ng mga mata ko si Callista, pero hindi ko rin nakita. Pupunta kaya siya?
Hindi lang puro Del-cojuanco ang narito. Nandito rin ang ilang malapit sa pamilya nila tulad ng mga Servantes, Montevero, Ventura at iba pang hindi ko na matandaan. Ibig sabihin, bukas ang pang-apat na gate para sa kanila, na sa ganitong okasyon lang nangyayari.
Lumapit sa amin ang isang magandang babae, nakangiti at yumakap agad kay Travis. Ngumiti nalang rin ako, kahit na pasimple niya akong tinignan mula ulo hanggang paa, habang kausap ni Travis ang isang lalaking bumati sa kaniya.
"Nice to see you, T." Maharot na sabi ng babae.
"Nice to see you here, Yves." Pormal na ngumiti si Travis sa magandang babae. Taas-noo ulit itong tumingin sa akin, may tinatagong pang-iinsulto. "This is my girlfriend, Lavender Lylith Ramos."
"Ramos." Nakasimangot nitong ulit sa apelido ko. "I've never heard the surname in our line." Hindi ko naintindihan, kaya kay Travis ako tumingin.
Tumikhim siya at marahan akong inakbayan sa bewang. Lalong sumama ang timpla ni Yves ng makita ang kamay ni Travis, nakapulupot na sa akin.
"You've heard it know." Kalmadong sagot ni T.
"Ah." Mahina itong natawa. "Maiwan ko na kayo."
Nahuli ko pa ang pag-irap niya ng talikuran kami. Lalo lang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Sabi na nga ba at marami ang huhusga sa akin sa lugar na ito. Hindi ko lang talaga matanggihan si T.
"Are you okay?" Agad na tanong sa akin ni Travis, may halong pag-aalala. Tumango ako at tipid na ngumiti.
Para sa kaniya, kakayanin ko ang takot ko. Pipilitin kong makisalamuha sa mga taong narito, kahit pa malayo ang antas ko sa kaniya at hirap akong sabayan.
Nag simulang mag tinginan ang mga tao sa likuran namin, napatingin rin ako doon at nakita ko ang pag dating nila Cza at Dylan, magkahawak ang kamay. Nagsimula ang simpleng bulungan. Kumunot ang noo ko ng marinig ang hindi magagandang salita tungkol kay Cza. Gusto kong magalit at bawalan sila. Ano bang ginawang mali ni Cza sa kanila?
"Ava!"
Lumapit sa akin si Czarina, binigyan ako ng mahigpit na yakap. Yumakap rin ako ng gano'n sa kaniya bago bumitaw. Hindi ko naiwasan ang mapatingin ulit sa paligid. Hanggang ngayon, di parin natapos ang mahinang bulungan, lalo lang lumakas.
"Kunyari hindi nalang natin sila naririnig." Malungkot siyang ngumiti sa akin, bumalik rin sa tabi ni Dylan. Nahuli ko pa ang madilim na titigan ng dalawang lalaki, pinagkibit-balikat ko nalang.
Halos mabali na ang leeg ng mga bisita ng dumating ang isa sa pinaka-magandang babae sa gabing ito, si Callista. Suot niya ang pulang gown na may mahabang slit. Kung tutuusin, simple lang naman ang suot niya pero dahil sa natatanging ganda, lahat napapatingin sa kaniya. Maging si Dylan at Travis, hindi nakawala sa pagsulyap.
"Ava." Diretsong lumapit sa akin si Callista, binigyan ako ng halik sa pisngi. "Hi, T." Bumeso rin siya kay Travis bago bumaling kanila Dylan at Czarina. "Hi, Love birds."
Kalmado at may class nitong bati sa dalawa, parehong hindi nakasagot. Nakaawang pa ang bibig ni Dylan ng iwan kami ni Callista para batiin ang ibang mga bisita.
BINABASA MO ANG
The Taste of Potion ✔️
RomansHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #1 Lavender's Grandmother is famous as a Love Potion Maker. One day, a rich matrona costumer ask for her grandmother's power, making the strongest potion of all. But the conflict is, the most important ingridient can't b...