Chapter 41
Travis and I both appreciate the vast field of Hacienda Del-cojuanco in silence. Nakasampa ang ulo ko sa kanyang balikat at tahimik namang umiinom ng tubig sa batis si Hulk.
The birds are chirping and the flow of water soothes my ears. Tumingala ako sa langit. Pababa na ang haring araw, magdidilim na mamaya pero gusto ko pa manatili rito sa pwesto ko. Masaya at tahimik, malayo sa ingay.
Unti-unti kong naramdaman ang pagyakap ni Travis sa balikat ko pero hindi ako nag salita o umangal.
I let him wrap his arms around me and feel home.
Mula sa kalayuan, naririnig namin ang hagikhikan ng ilang bata. Mukhang masayang naglalaro at tumatakbo.
"Someday, we will also hear the giggle of our babies while playing here." Sabi niya na ikinatingala ko sa kanya. Humarap siya sa akin, binigyan ko siya ng seryosong tingin.
"Bakit ako Travis? Pwede ka namang sumuko na lang o Humanap ng Iba. Gwapo ka, may pinag-aralan at tagapagmana. Isa kang Del-cojuanco. Bakit ako pa rin ang gusto mong makasama sa pagbuo ng Pamilya?" He stared at my face, memorizing every possible perfection he could find.
"Bakit sa Iba ko papangarapin at hindi sa'yo? Bakit sa Iba pa kung noon pa lang, sarado na ang desisyon ko na Ikaw, ikaw ang gusto kong makasama. Kung hindi ikaw, huwag na lang."
As fast as a thunder, his words melts my heart. "Pero magulo ang isip ko. Magulo ang buhay ko ngayon."
Umiwas ako ng tingin. Inabala ko ang sarili sa pag-agos ng tubig mula sa batis. Malayo ang patutunguhan nito, hindi dito nagtatapos. Gaya ng buhay, minsan ang pagtangay sa agos ang tanging pwede mong gawin.
"Nang magulo ang isip ko, nang magulo ang buhay ko, nandoon ka, dumating ka at minahal mo ako. Sa tingin mo ba, ngayon na ikaw naman ang dumaranas niyan, iiwan kita? Hindi kita susukuan Ava. I will not give up on us until you'll realize again that it's me who you love."
"Paano kung hindi pa rin tayo sa dulo." Tanong ko habang na sa malayo ang tingin.
"Kung saan ka sasaya, hahayaan kita. Pero ikaw, para sa akin ikaw ang dulo ko."
Nagsimulang pumatak ang ambon dahilan para mapatayo kaming dalawa. Kinuha niya si Hulk para dalhin sa silong, pinanood ko lang siya. Nanatili ang mahinang buhos ng ulan, kaya naging masarap sa pandinig ang bawat pagpatak nito sa batis.
"Hintayin lang natin matapos ang ambon." Tumango ako. Ilang minuto rin ang gugulin namin kung babalik kami sa rancho. Tumabi siya sa akin, kung saan ako nakasilong. Nakatitig lang ako sa pag patak ng ulan sa batis.
Mild drops of rain pacify your soul but heavy rain, harsh drops despair your heart. Everything that's too much doesn't give good results.
I start to undress myself. Travis watches me with full curiosity. I take my dress off leaving only my white two piece. Humarap ako sa kanya at ngumiti. Kunot naman ang noo niya.
"Halika, maligo tayo sa batis." Hinawakan ko siya sa pulso para akayin pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.
"Umuulan, malamig." Tanging sagot niya habang nakatitig sa akin. Ilang beses gumalaw ang adams apple niya.
Ngumuso ako. "Gusto kong maranasan maligo sa batis habang umuulan!"
"Paano kung magkasakit ka?"
"I'm healthy! Hindi ako magkakasakit!"
Napailing siya pero ngumiti rin at nag pahila na sa akin. Bumitaw ako sa kanya nang nasa tapat na kami ng tubig. Nauna akong lumusong. Napahiyaw ako sa lamig ng tubig.
BINABASA MO ANG
The Taste of Potion ✔️
RomanceHACIENDA DEL-COJUANCO SERIES #1 Lavender's Grandmother is famous as a Love Potion Maker. One day, a rich matrona costumer ask for her grandmother's power, making the strongest potion of all. But the conflict is, the most important ingridient can't b...